
Kulog.
Kidlat.
Ulan.
Pagkabuhos ng napakalakas na ulan, asahan mo kasunod na ang
Baha.
Kagabi habang nasa SM manila, aakalain mong nag-extend ang Pasig river. Sobrang baha sa kaMaynilaan.
Kelangan namin makatawid papuntang Mapua pero talagang sobrang baha.
Nagtanong kami ng tricycle:
"Manong magkano po papuntang Mapua?"
(di rin namin alam yung talagang presyo nun.)
"Php.70.00 kayong dalawa na."
ANG MAHAL!! ( naku naman manong.. walking distance lang yun wah. eh di sana nag-taxi n lng kmi)
"Wag na lang po manong. Thank you na lang po." Sabay alis.
Si manong nag-eexplain pa.
"Malayo kasi yun eh kaya ganun."
Para namang hindi namin alam yung lugar kung magpresyo si manong.
Kaya napilitan kaming maglusong.
Hindi ako makapaniwala na sa gitna ng kaMaynilaan ay naglulusong ako. Hindi naman ako nandidiri sa baha kasi sanay ako sa baha sa Malabon. Parang unusual kasi yung ganun. Naisip ko na lang:
Minsan lang sa buhay ang ma-experience yung ganitong naglulusong sa labas ng SM Manila.
At syempre pa hindi mawawala ang mga "Kumikitang-kabuhayan" tuwing maulan. Nanjan ang payong, tricycle, kalesa, at tsinelas.
Ang saya ding experience nun at awa ng Diyos, nakarating din kami sa pupuntahan namin at nakauwi din kami sa bahay kahit gabi na.