
Balang araw mga pahina ng buhay ko ay lilipas.. Di ko mamamalayan na mabilis lang pala ang pag-ikot ng mundo.. Mga taong nagdaan sa buhay ko.. Mga kaibigang di inaasahan darating at makikilala.. Mga pagkakataong naging masaya.. Mga taong nagpatibok ng puso ko.. Mga taong nagpaluha sa akin.. Mga problemang nalagpasan.. Ilang post na ang nabasa ko.. Mga idolo sa pag-Blog.. Mga pangyayari sa buhay na ilalathala.. Mga post pang darating.. Mga comments na babasahin.. Darating at darating.. ang araw na alaala na lang ang lahat..