Thursday, April 30, 2009

Responsibilidad. Takot. Katapangan.


Dumating na rin ang araw na kinakatakot kong mangyari. Noon, sa tuwing dadapo sa isip ko ang katotohanang maaaring maganap ito, Lagi kong sinasabi sa sarili ko,

"Matagal pang darating yun. Hindi pa ngayon."


At ngayon nga, nandito na. Nasa harap ko na. Nagulat ako ng sobra nung nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na eto na at kailangan ko nang harapin.

Meron pa din akong option, sabi nga nila,

"Life is a matter of choice."

Pwedeng takasan ko ito at magtago O harapin at gawin ang responsibilidad kahit kapalit pa nito ay sarili kong kahihiyan.

Pinili ko na lang na harapin ito. Sabi nga nila

"Face your fear."

kaya tinanggap ko na lang ang realidad na KAILANGAN kong gawin ito.
Sa ngayon, kahit paano, natutunan ko nang tumayo ng mag-isa.

Dumating sa punto na gusto ko nang bumitaw, umiyak at umatras. Pasalamat na lang ako at patuloy na may umaalalay sa akin. Sina Kuya Loloy, Joey, Rj, Ate Eula, Ate Apple, Ate Kitty, Bong, at Emil --- mga kasamahan ko sa simbahan. Di nila ako pinabayaan nung panahon na kailangan ko nang harapin yung responsibilidad na iiwan sa akin. Nandyan sila para suportahan ako, palakasin ang loob ko at alalayan ako sa tuwing may mali akong magagawa.
Ilang linggo na ang lumipas at ilang linngo pa ang daraan. Konti na lang. Matatapos ko din itong responsibilidad na iniwan sa akin.

Alam ko malalampasan ko din itong nasimulan ko na. Kailangan ko na lang itong tapusin.



"You must take personal responsibility. You cannot change the circumstances, the seasons, or the wind, but you can change yourself." — Jim Rohn

Monday, April 13, 2009

Butterfly



When you love someone so deeply
They become your life
It's easy to succumb to overwhelming fears inside
Blindly I imagined I could
Keep you under glass
Now I understand to hold you
I must open up my hands
And watch you rise

Spread your wings and prepare to fly
For you have become a butterfly
Fly abandonedly into the sun
If you should return to me
We truly were meant to be
So spread your wings and fly
Butterfly

I have learned that beauty
Has to flourish in the light
Wild horses run unbridled
Or their spirit dies
You have given me the courage
To be all that I can
And I truly feel your heart will
Lead you back to me when you're
Ready to land

Spread your wings and prepare to fly
For you have become a butterfly
Fly abandonedly into the sun
If you should return to me
We truly were meant to be
So spread your wings and fly
Butterfly

I can't pretend these tears
Aren't over flowing steadily
I can't prevent this hurt from
Almost overtaking me
But I will stand and say goodbye
For you'll never be mine
Until you know the way
it feels to fly


Spread your wings and prepare to fly
For you have become a butterfly
Fly abandonedly into the sun
If you should return to me
We truly were meant to be
So spread your wings and fly
Butterfly
So flutter through the sky
Butterfly
Spread your wings and fly
Butterfly

Thursday, January 29, 2009

Naisip ko lang...


Balang araw mga pahina ng buhay ko ay lilipas.. Di ko mamamalayan na mabilis lang pala ang pag-ikot ng mundo.. Mga taong nagdaan sa buhay ko.. Mga kaibigang di inaasahan darating at makikilala.. Mga pagkakataong naging masaya.. Mga taong nagpatibok ng puso ko.. Mga taong nagpaluha sa akin.. Mga problemang nalagpasan.. Ilang post na ang nabasa ko.. Mga idolo sa pag-Blog.. Mga pangyayari sa buhay na ilalathala.. Mga post pang darating.. Mga comments na babasahin.. Darating at darating.. ang araw na alaala na lang ang lahat..

Friday, January 16, 2009

Heto na...


Tagal ko ng hindi nakakapag-update ng blog..
Dami ko ng ndi napupuntahang site..
nami-miss ko na din ang pagpost ng bagong entry..

Hindi ko akalaing ganito magiging ka-busy ang schedule ko..
Meron lang akong 30mins everyday para kumain
kaya wala dapat masayang kahit 5 mins..

heto na..

Nagkaroon ng meeting ang mga faculty kaya wala kaming class
kaya heto,
Nakasingit ng new post.. Hehehehe...

Sana makadalaw ako sa blogs nyo one of these days..
Nami-miss ko na din magbasa ng samu't-saring kwento ng buhay..

Ingats and see you guys around!!

Friday, January 2, 2009

My Birthday 08 (19th)

Ngayong taon na ito, naramdaman ko na ang pagtanda. Parang yoko ng dumating yung next year.hehe. Hindi ko talaga hilig ang mag birthday. Hindi ko rin masyadong na-aapreciate ang essence ng pag celebrate ng birthday pero since ang bday ko ay after ng chrismas, ginawa na nila itong official day para sa reunion ng family namin, it leaves me with no choice.

Syempre meron paring videoke fever!!



Ngayon na-eenjoy ko na ang birthday. Next year wla na ako sa pagiging "teen." huhu tanda ko na..
Nagsuot kami ng pare-parehong t-shirt. Wla lang. Para maiba nman. Actually dapat apat kami, hindi nakarating ung partner ko kaya ako lang ung walang kaparehas.

Hindi na na-picture-an yung cake kasi nasira. As in na-deform ng bata.hehe.

Thursday, January 1, 2009

Christmas Vacation Galore

Wala naman kaming masyadong ginawa nitong christmas. Kumain lang, tapos kumain ulit, tapos kain ulit.. (sana tumaba na ko!!) hehe.. Puro reunions lang pero masaya naman. Syempre dapat ndi natin nakakalimutan ang reason kung bakit may pasko.

Medyo delayed na din tong post ko. Busy-busy-han kasi ako ngaung Christmas break. Tinatamad din ako at the same time kasi super bagal computer namin kaya instead na makapag update ako, hindi ko na nagagawang magpost. Masaya naman ang christmas kahit na ramdam ko na medyo tumatanda na ako at marami ng dapat regaluhan. hehe wala pa pla akong regalo sa inaanak ko. Bawi na lang sya next year. Kawawang bata nadamay sa global crisis.

Ito nga pla yung kaisaisa kong inaanak. Actually pinsan ko din sya. Si CJ na sobra ang kulit at mahilig sa picture! hehe
After namin kumain kumanta lang kaming magpipinsan. Videoke ang di mawawala tuwing ganitong season. Ito na ang bonding moment namin aside from eating.
Moment ko 'to!



Ito naman yung bonding moment ng mga medyo may katandaan na ng konti.. Ang magpicture!!


Saturday, November 29, 2008

Christ Cares Family Assembly of God

Nagsimula ang Christ Cares Family Assembly of God (isang born again christian church) sa silong ng isang lumang bahay. Dito kami nagsisimba tuwing Linggo at dinadaluhan naman ito ng mahigit kumulang 60 na tao.

Maliit ang lugar na ito para sa 60 katao na dumadalo. Sa loob ng mahigit 5 taon naming na pag-stay sa lugar na ito, marami na ring nagawang accomplishments ang church namin. Marami na ring napagdaanan at naging bahagi na rin ito ng buhay namin.

Bukas, iyon na ang huling linggo namin sa lugar na ito dahil kailangan nang ibenta na may-ari. Nakakalungkot din dahil kelangan naming umalis sa nakasanayang lugar pero alam ko na
God will lead us to a better place.

Since binabaha din ang lugar na ito, medyo hirap din kami sa pag-aayos ng mga instruments namin gaya ng mga drum set, gitara, microphones at mga speaker pero sanay na kami sa baha kasi tiga-Malabon nga kami (hehe).

Hopefully makakita na kami ng lugar na matatawag naming sarili naming church at lugar na hindi kami kailangan mag alala kung nakakaistorbo na kami sa may-ari ng bahay.



Maganda rin naman ang naging pakitungo ng may-ari ng bahay sa amin at pinagpapasalamat ko talaga yun at binigyan kami ng pagkakataong mag-stay dun ng libre. Napakalaking tulong na nun para sa isang maliit na simbahan.

On top of this, I end up to this thought:

We might see things falling apart, but if we try to look at it again, things are actually falling into their right places.



Wednesday, November 19, 2008

New Post


Akala ko madali na sa akin ang maging updated lagi sa blog ko lalo na ngayong start na ng 2nd sem. Hindi rin kasi sapat yung time na meron ako ngayon kaya heto, patakas-takas lang ng post. Hindi na rin ako nakakapag-blog-hop at hindi ko na rin navi-visit ng regular yung mga nasa blog rolls ko.


Ganun pa man, syempre hindi ko pa din nakakalimutan yung mga taong matiyagang bumibisita sa akin kahit bihira na lang akong mag-update ng blog ko. Kaya sa lahat ng mga dumadaan at nagpaparamdam, sa mga nag-iiwan ng bakas at sa mga nagkukumento, sa matiyagang nagbabasa ng mga post ko at sa bumabalik para tignan kung may new post na ako(kung meron man.haha),




Salamat!