There are some things in life we hardly can say. Sometimes we keep ourselves silent to play safe, to elude mistakes and to avoid arguments. Whenever I feel that way, I always get my pen and paper just to pour all my emotions, thoughts and opinion just to break the silence. In a way I get myself loose.For I know in this world, it is more than those words we could say. What matter is that you find your own way to express yourself, to let somebody know how you feel, in any way...
Friday, May 15, 2009
Choice.
Madalas kong itanong itong tanong na ito:
"Kung ikaw ang papipiliin,
Yung taong mahalaga sayo o
Yung taong nagpapahalaga sayo?"
Hirap pumili noh??
Monday, May 4, 2009
Lunes na Lunes.
Lunes na lunes.
Sumakay ako ng jeep para pumasok sa school. Gaya ng nakasanayan, sa unahan ako ng jeep sumasakay para iwas hold-up. Inabot ko kay manong ang Php100.00 at sabi ko, Derecho-estudyante.
Maya-maya may sumakay na isang ale at isang mama. Nagbayad din daw umano ng Php100.00 yung dalawa. Hindi ko masyadong naintindihan nung una dahil nakasaksak ang earphone sa tenga ko.
Tinanong ako nung manong kung magkano ang binayad ko. Sabi ko, Php100.00 at pagkatapos nun sinuklian nya ako ng Php.70.00 (walang discount. Hindi na ako umapela).
Biglang nagreklamo ang mama sa likod. "Yung sukli sa isang daan. Dalawa yun. Sa shell house lang." Walang nagawa yung driver kung di suklian ang galit na mama. Binawi nya sa akin yung Php70.00 na sukli. Dahil akala ko naman na nagkamali lang sya, Ibinigay ko ng buong-buo.
At heto na, nung malapit na sa Recto, Sabi ko ng mahinahon, "Manong yung sukli ko po." Sagot nya "Alin? Sukli mo??" At dun na nagsimula ang away. Di ko na rin napigilan magtaas ng boses dahil sa sobrasng inis.
Pinipilit ni manong na hindi ako nagbayad ng Php100.00 at Php50.00 lang ang binayad ko at ako naman pinipilit ko na nagbayad ako at iyon naman talaga ang totoo. Sa bandang huli, hinayaan ko na lang na sukliaan nya ako sa halagang Php50.00 na sinasabi nya. Malapit na din kasi akong bumaba.
Sobrang sama ng loob ko. Tama ba namang pagbintangan akong may modus-operandi?? Bago ako bumaba, sabi ko kay manong "Sa susunod manong, tandaan nyo yung mga bayad sa inyo" sabay baba ng jeep.
Padabog akong naglalakad papuntang sakayan ng Pasig. Sama talaga ng loob ko. Wala naman sa akin kung mawalan ako ng Php50.00 dahil sa kabaliwan nya. Ang di lang talaga matanggap ng sistema ko ay yung pagbintang sa akin na manloloko ako.
Tatlong taon na akong nagbabyahe at ngayon lang nangyari sa akin to. Sa tatlong taon na yun lagi ko kasama si ate pumasok at umuwi ng school at dahil graduate na siya, ako na lang mag-isa. Wala ng magtataggol sa akin. Hindi rin kasi ako sanay makipag-away sa jeepney driver lalo na kung kulang ang sukli nila sa akin. Kadalasan, pinapabayaan ko na lang sila.
Kahit paano proud din ako sa sarili ko dahil this time, nagawa kong ipagtanggol ang sarili ko. Parang nato-trauma na tuloy ako sumakay ng jeep. hayzzz.
Subscribe to:
Posts (Atom)