Thursday, May 8, 2008

Inspirasyon

Parang kelan lang di kita napapansin. Hindi ka naman kasi "Head-turner." Simpleng tao ka lang na nakakasalubong sa daan. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo o matandaan ang itsura mo. Hindi ko nga din alam na meron pa lang "ikaw" na nabubuhay dito sa mundo.

Hanggang isang araw habang nagtatrabaho ako, inabala mo ako at nanghiram ng ballpen. Simula noon natandaan ko na ang itsura mo naging pamilyar na din ako sa presensya mo.

Nadadalas ang pagkita ko sa 'yo pero ewan ko lang kung alam mong may nakatingin sa 'yo. Halos araw-araw nagkakasalubong tayo, di ko lang alam kung pansin mo. Makita lang kita isang beses isang araw kuntento na ako.

Inspirasyon marahil nga ang pwede kong itawag sa 'yo. Mapadaan ka lang napapangiti mo na ako. Lalo pa nung kinausap mo ako. Parang tumatalon sa tuwa ang puso ko. Ka-kornihan man o ano pa ang itawag sa nadarama ko, OK lang. Ang mahalaga, ako lang ang nakakaalam nito.

Hanggang sa dumating ang araw na ito, hindi ko akalaing magkakausap pa tayo. Parang ang labo kasi mangyari eh... Itong araw na ito napasaya mo talaga ako... (^^,)

1 comment:

ann said...

nice aman ang kwento..through experience ba yan..?anyway i'ts a nice article..nkktuwa kasi nhlata kong my pgkatorpe ung girl(ikaw) b un).