Thursday, April 30, 2009

Responsibilidad. Takot. Katapangan.


Dumating na rin ang araw na kinakatakot kong mangyari. Noon, sa tuwing dadapo sa isip ko ang katotohanang maaaring maganap ito, Lagi kong sinasabi sa sarili ko,

"Matagal pang darating yun. Hindi pa ngayon."


At ngayon nga, nandito na. Nasa harap ko na. Nagulat ako ng sobra nung nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na eto na at kailangan ko nang harapin.

Meron pa din akong option, sabi nga nila,

"Life is a matter of choice."

Pwedeng takasan ko ito at magtago O harapin at gawin ang responsibilidad kahit kapalit pa nito ay sarili kong kahihiyan.

Pinili ko na lang na harapin ito. Sabi nga nila

"Face your fear."

kaya tinanggap ko na lang ang realidad na KAILANGAN kong gawin ito.
Sa ngayon, kahit paano, natutunan ko nang tumayo ng mag-isa.

Dumating sa punto na gusto ko nang bumitaw, umiyak at umatras. Pasalamat na lang ako at patuloy na may umaalalay sa akin. Sina Kuya Loloy, Joey, Rj, Ate Eula, Ate Apple, Ate Kitty, Bong, at Emil --- mga kasamahan ko sa simbahan. Di nila ako pinabayaan nung panahon na kailangan ko nang harapin yung responsibilidad na iiwan sa akin. Nandyan sila para suportahan ako, palakasin ang loob ko at alalayan ako sa tuwing may mali akong magagawa.
Ilang linggo na ang lumipas at ilang linngo pa ang daraan. Konti na lang. Matatapos ko din itong responsibilidad na iniwan sa akin.

Alam ko malalampasan ko din itong nasimulan ko na. Kailangan ko na lang itong tapusin.



"You must take personal responsibility. You cannot change the circumstances, the seasons, or the wind, but you can change yourself." — Jim Rohn

2 comments:

Roland said...

dont be afraid my friend
nobody can control his/her fate
everything has to pass
at the end of the day, you will realized that, it has come for your own good.

smile !!;D

Love said...

hehe --,

thanks ng madami..
i've come to realize nga na its for my own good...