May 15-17, 2008
Thursday morning...
Umalis kami ng Malabon. Excited ang lahat papuntang Youth Camp sa Iba Zambales. First time ko itong makapunta ng camp, first time ko din pumunta ng Zambales at first time ko din makasakay ng bus ng more than 1hour ang byahe. Matagal ko nang pangarap na makatravel ng bus (sa mahabang oras), barko at airplane. Natupad din yung sa bus. Enjoy ako nung nasa byahe kinakabahan din kasi hindi ko alam kung anung meron dun. Habang nagbabyahe, nadaanan namin yung Olongapo, Subic, Pampanga, at Bataan. Ang layo ng Zambales. 7:00 kami umalis ng Malabon at 2:30 na kami nakarating dun. Sulit naman kasi ang ganda dun. Nung opening night ng camp, sobrang ganda nung show parang concert. Actually isa yung Spiritual camp. karamihan sa mga youth ay unbeliever. para sa kanila talaga yung camp pero pwede na din sa aming mga believer para ma-revive kami.
Magagaling din yung mga speaker, very well ang pagkakadeliver ng message. Yung Band naman sobrang galing din. Galing tumugtog. Madami akong natutunan dun sa camp na yon. Na revive ako first night pa lang. I was crying nung first drama na pinalabas nila. tapos sabayan pa ng message. Ginawa nga pala kaming counselor ni kuya Rey kaya di rin masyadong naenjoy ang pagiging camper. pero Ok lang un. Daming tao dun meron kaming 1,300+ na youth.
Nakakatuwa yung mga games nila. yung slide sa putik, swimming sa pond at kung anu-ano pa. Pero ang di ko makakalimutan dun ay yung isang aquarium ng palaka ay lilipat sa isang timba. hahahahahha.... yung palaka lumilipad. hinagis nila sa audience yung ilang palaka. halos di ako makahinga sa kakatili at kakatawa.
Napakaganda ng ganung program nila. At a very cheap price of P100.00 makakapunta ka na sa Zambales at marerevive ka pa. Nagkaroon din sila ng Free Scholarship program para sa mga hindi nag-aaral. Magaling at sana mapagpatuloy nila yung ganung ministry. They touched thousands of life. Nakaka-inspire... Sana next year makasama ulit ako. (^^,)
2 comments:
WELL, THAT IS A NICE EXPERIENCED! I see it that you enjoyed much in the Camp. That will be an unforgettable moment of your life. I didn't gone far to Zambales! I hope someday I'll visit there. Love, just continue your believes and faith to GOD! Just look up and stay with him. You'll never regret in the end. Have a peaceful day cristelle!....
hi..nakakabless kapatid.nga pala im gford.band member from camp(Lead Guitar).sa nabasa ko sa experience mo nakakatuwa kc isa ka sa mga 2manggap at inaccept c God.on october my camp ulit pero sa ma teachers.pero next year january magsstart ung camp ng mga youth.kita2 nlng dun.magsama ka ng mga kaibgan mo.ingat and GODBLESS..
(Go kabataangpinoy)
Post a Comment