Friday, June 27, 2008

Pulubi


Kaninang umaga, habang nakasakay sa jeep na may byaheng Gasak-Recto, nakakita ako ng isang pamilyang pulubi na natutulog sa gilid ng daan.

-Isang batang lalaki na may gulang na 5-6 na taon
-Isang nanay na natutulog pa din
-Isang lalaki na naghuhugas ng pinggan.

Ang mga ganitong eksena ay pangkaraniwan na para sa karamihan sa atin lalo na dito sa Maynila-- mga batang madudungis at nanlilimos. Ewan ko ba kung bakit sa loob ng mahigit 2 taon kong pagbabyahe, ngayon lang ako nauntog sa katotohanan.

Katotohanan kung gaano ako kaswerte sa kalagayan ko. Alam kong "hindi" kami mayaman o may kaya man lang pero na-realize ko kung gaano ako kapalad nung nakita ko yung ganung senario.

Hindi ko maipaliwanag pero ganun yung pakiramdam na parang may sumampal sa'yo. Napuno ako ng awa para sa iba. Kakaiba talaga.

Thank you kay Lord for making me realize these things.

Wednesday, June 25, 2008

Late!!!

Lakad-takbo.

Yan ako araw-araw mapa MWF o TTH man kapag 7:30 na nasa plaza del carmen pa lang ako dyan sa may San Sebastian Church.

Pilit hinahabol ang oras.
Pilit iniiwasang maging "
LATE".

Pag-akyat sa room (habang hinahabol ang hininga), unang tanong sa classmate:

"Nag-attendance na ba?"
-Hindi pa.

Hayz. Parang naka-binggo na naman ako. 15 mins. na akong late, buti na lang di pa nag-aattendance si Sir.


Araw-araw ganito. Malas ko lang sa TTH na first subject ko dahil di ko talaga maunahan yung prof ko dun. Sana bukas hindi ako ma-late sa TTH ko. Baka kasi buminggo ako dun.hehe.

Good luck.

Sunday, June 22, 2008

Rainny Days

Linggo ngayon.

Nakakapanibago.

Kasi dapat may Sunday service sa church pero na-cancel dahil sa lakas ng ulan na hatid ng bagyong Frank.

First time ever ito sa buong buhay ko na ma-cancel ang Sunday service namin. Ang lupit talaga ni Frank.

Hayzz..

I'm Bored.

Saturday, June 21, 2008

Saturday duty

7:00 am.
Nagising ako.
This time walang pressure. Di ako nagmamadaling pumunta sa school. Dapat wala akong pasok sa Multimedia namin ngayon pero sa kasamaang palad, ako ay kabilang sa first batch ng mga S.A. na magduduty ng saturday.

I took my time sa pagkain ng breakfast. Nauna si ama at ina na umalis ng bahay. May meeting daw sila ngayon. Ok fine. Kain lang ako.

Nag-iisip.

Ano nga ang mga dadalin ko?

-mp4(nakacharge pa)
-magbaon ng biscuit para di magutom.
-mineral water.
-Nawawala ang favorite necklace ko.(hanap, hanap. Di ko nakita.)

Ang tanong:
-May nakalimutan pa ba ako?
-wala na!!

Lakad na.

Lips of an Angel- paulit-ulit na tumutugtog sa tenga ko sa loob ng isa't kalahating oras ng byahe. "It's really good to hear your voice sayin' my name it sound so sweet. Commin' from the lips of an angel hearing those words it makes me weak." Paulit-ulit. walang sawa. In short, favorite!

9:35. Nasa school na ako. "Good morning!!" bati ko sabay log-in. Hayzzz... trabaho na naman. Kelangan mag 5S (isang school policy to keep everything in order) in short maglinis at panatiliin malinis ang mga laboratory rooms.

Sa wakas natapos din ang labing tatlong rooms. Kakapagod. Isipin mo naman tatlo (ako, chris at joel) lang kami dahil absent yung iba naming kasama. Bunuin daw ba ang 13 na rooms na may 30-60 computers bawat room. hooohh!! Anyway, tapos na!!

*salamat nga pala sa free internet access dito sa school for making this blog possible. (Hehe. kamusta naman kasi ang dial-up sa bahay, 48years bago mag-open).

Friday, June 20, 2008

Saturday Class

Sa loob ng mahigit 12 years kong pag-aaral, sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng Saturday Class. Nakakapanibago. Sanay ako na maging masaya kapag dumating na ang Friday. Ngayong sem, ibang-iba. Sobrang nakakalungkot knowing na dapat ay natutulog ako ng mahaba pero kelangan gumising ng maaga para sa 7:30 class ko.

IT313L1 or Multimedia. 7:30-1:30pm. Start nyan bukas. Masakit na katotohanan na dapat tanggapin na lang. Walang magagawa kung hindi i-enjoy ang bawat minuto sa harap ng computer at pag-aralan mabuti ang Flash8 (isang software application na para ding photoshop).

Kanina bago kami pumasok ng SAD003 (System Analysis and Design, 10:30-11:30), natanggap ko ang balitang wala kaming pasok bukas sa kadahilanang di pa naa-approve yung subject namin.

-ang saya!!! hooohhh!!!

Para akong nanalo sa Lotto ng hindi tumataya. Akalain mo yun. Bigla na lang na wala kaming pasok bukas. Parang bonus lang. hehehe. Napatalon ako sa tuwa. Pero ang katotohanan, next Saturday, tuloy na ang klase namin jan.

Pero Ok lang yun. Para sa kagaya kong isang estudyante, ang pangarap ko lang naman ay eto:

-"Mahabang oras ng tulog!!!" (may sasang-ayon ba?!?)

Laking pasasalamat ko talaga at wala kaming pasok bukas. hayzzzz..

Good luck na lang sa mga susunod na Sabado. (^^,)

Thursday, June 19, 2008

Nakakaalarmang Kasungitan


Nitong nakaraang summer, habang nakaduty ako, isang kakilalang bading dito sa school ang nag-approach sa akin.
"Alam mo bakla, akala ko dati ang sungit sungit mo. Oo talaga."
Natawa lang ako. Naisip ko may kanya-kanya tayong perception sa mga bagay-bagay kaya binalewala ko lang iyon.

Isang gabi naman sa bahay namin, nandun si Clarence (pinsan ko) at si Rodel (isang kaibigan). Umiinom kami ng kape at nagkukwentuhan tungkol sa mga babae nila sa buhay. Hanggang sa kalagitnaan ng aming kwentuhan, nabanggit ni Rodel:
"Akala ko dati masungit 'to (referring to me) . Yung konting ano mo lang hahampasin ka na ng kung ano." Natawa lang ulit ako. Pero sa pagkakataong ito medyo napaisip na ako : Ganun ba ako kasungit sa mata nila?

Lumipas ang ilang buwan, kanina, nung dumaan ako sa Department ng course namin, nandun si maam Ann. Ang sabi nya:
"Bakit ang sungit ngayon ni Love?"
Nangiti lang ako.
"Masungit ka ba Love?"(follow up question nya)
"Hindi po." Nakangiting sagot ko habang papalabas ng pinto.

Nakakaalarma.

Masyado yata nami-misinterpret nila ang pagiging mailap ko sa mga tao. Hindi kasi ako pala-bati ng mga kakilala ko. Masyado kasi akong mahiyain. Hindi ako masyadong nakikisalamuha sa mga tao kahit sa mga kapit-bahay namin nuon. Pagkagaling sa school direcho sa bahay. ganun lang lagi ang buhay ko araw-araw mula nung elementary.

Nitong kolehiyo na, medyo napapractice ko na ang pagbati sa mga tao. Kahit paano nag-improve ako when it comes to social communication. Pero hanggang ngayon mahiyain pa din ako. Yun lang ang hindi ko maalis. Sana nagkaroon ako ng madaming kakapalan ng mukha. Sa totoo lang naiinggit ako sa mga matatapang at malalakas ang loob. Yung bang mga makakapal ang mukha. Kahit sa loob ng klase natatakot pa din akong magrecitation. hayz grabe na to.

Sana ma-overcome ko to para hindi nila nami-misinterpret yung mga bagay-bagay. Siguro dapat dagdagan ko pa ang pagbati sa mga nakakasalubong ko para di ako masabihan ng masungit. Dagdagan ko din dapat siguro yung pagiging madaldal at syempre wag kalimutan mag-smile. Bahala na.


Tuesday, June 3, 2008

Isang linggong bakasyon

Nung nakalipas na linggo, humiling ako na sana magkaroon ako ng bakasyon o kahit mahabang tulog man lang. Ngayon natupad na. May isang linggo akong bakasyon. Nakatulog na din ako ng mahaba dahil 12 na ako nagising kanina.

Pero bakit ganun, parang mamamatay ako sa sobrang pagkabagot. Nuod ng TV, internet, at kain. Yun lang paulit-ulit kong ginagawa. hayzzztt... buhay...

Siguro nasanay lang ako na laging may ginagawa o may trabaho. Pakiramdam ko parang sayang yung mga araw na lumilipas na walang natatrabaho. Anu ba yan? Di bale isang linggo lang naman yan. Pagdating ng pasukan sigurado mami-miss ko tong bakasyon. Enjoy na lang...