Friday, June 20, 2008

Saturday Class

Sa loob ng mahigit 12 years kong pag-aaral, sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng Saturday Class. Nakakapanibago. Sanay ako na maging masaya kapag dumating na ang Friday. Ngayong sem, ibang-iba. Sobrang nakakalungkot knowing na dapat ay natutulog ako ng mahaba pero kelangan gumising ng maaga para sa 7:30 class ko.

IT313L1 or Multimedia. 7:30-1:30pm. Start nyan bukas. Masakit na katotohanan na dapat tanggapin na lang. Walang magagawa kung hindi i-enjoy ang bawat minuto sa harap ng computer at pag-aralan mabuti ang Flash8 (isang software application na para ding photoshop).

Kanina bago kami pumasok ng SAD003 (System Analysis and Design, 10:30-11:30), natanggap ko ang balitang wala kaming pasok bukas sa kadahilanang di pa naa-approve yung subject namin.

-ang saya!!! hooohhh!!!

Para akong nanalo sa Lotto ng hindi tumataya. Akalain mo yun. Bigla na lang na wala kaming pasok bukas. Parang bonus lang. hehehe. Napatalon ako sa tuwa. Pero ang katotohanan, next Saturday, tuloy na ang klase namin jan.

Pero Ok lang yun. Para sa kagaya kong isang estudyante, ang pangarap ko lang naman ay eto:

-"Mahabang oras ng tulog!!!" (may sasang-ayon ba?!?)

Laking pasasalamat ko talaga at wala kaming pasok bukas. hayzzzz..

Good luck na lang sa mga susunod na Sabado. (^^,)

2 comments:

RedLan said...

tulog buong sat ang ginagawa mo>? minsan nakakapagpd rin mag-aral pero kelangan eh. Isa pa binabayaran mo yan. kaya goodluck na lang sa saturday class. hehehe.

Anonymous said...

hehe hindi naman ako ganun kagrabe matulog.. hehehe.. sa kasamaang palad e2 ko ngayon sa school nakaduty... hehehe ok lang un.. kelangan masanay...