Thursday, June 19, 2008

Nakakaalarmang Kasungitan


Nitong nakaraang summer, habang nakaduty ako, isang kakilalang bading dito sa school ang nag-approach sa akin.
"Alam mo bakla, akala ko dati ang sungit sungit mo. Oo talaga."
Natawa lang ako. Naisip ko may kanya-kanya tayong perception sa mga bagay-bagay kaya binalewala ko lang iyon.

Isang gabi naman sa bahay namin, nandun si Clarence (pinsan ko) at si Rodel (isang kaibigan). Umiinom kami ng kape at nagkukwentuhan tungkol sa mga babae nila sa buhay. Hanggang sa kalagitnaan ng aming kwentuhan, nabanggit ni Rodel:
"Akala ko dati masungit 'to (referring to me) . Yung konting ano mo lang hahampasin ka na ng kung ano." Natawa lang ulit ako. Pero sa pagkakataong ito medyo napaisip na ako : Ganun ba ako kasungit sa mata nila?

Lumipas ang ilang buwan, kanina, nung dumaan ako sa Department ng course namin, nandun si maam Ann. Ang sabi nya:
"Bakit ang sungit ngayon ni Love?"
Nangiti lang ako.
"Masungit ka ba Love?"(follow up question nya)
"Hindi po." Nakangiting sagot ko habang papalabas ng pinto.

Nakakaalarma.

Masyado yata nami-misinterpret nila ang pagiging mailap ko sa mga tao. Hindi kasi ako pala-bati ng mga kakilala ko. Masyado kasi akong mahiyain. Hindi ako masyadong nakikisalamuha sa mga tao kahit sa mga kapit-bahay namin nuon. Pagkagaling sa school direcho sa bahay. ganun lang lagi ang buhay ko araw-araw mula nung elementary.

Nitong kolehiyo na, medyo napapractice ko na ang pagbati sa mga tao. Kahit paano nag-improve ako when it comes to social communication. Pero hanggang ngayon mahiyain pa din ako. Yun lang ang hindi ko maalis. Sana nagkaroon ako ng madaming kakapalan ng mukha. Sa totoo lang naiinggit ako sa mga matatapang at malalakas ang loob. Yung bang mga makakapal ang mukha. Kahit sa loob ng klase natatakot pa din akong magrecitation. hayz grabe na to.

Sana ma-overcome ko to para hindi nila nami-misinterpret yung mga bagay-bagay. Siguro dapat dagdagan ko pa ang pagbati sa mga nakakasalubong ko para di ako masabihan ng masungit. Dagdagan ko din dapat siguro yung pagiging madaldal at syempre wag kalimutan mag-smile. Bahala na.


2 comments:

RedLan said...

I noticed, yung mga taong mukhang masungit at yun pa ang totoong mabait. di ba?

Anonymous said...

hehehe... ganun ba un kuya?
di ako masyadong aware na ung mga mukang masusungit un ung mabait.. hehehe