Thursday, September 18, 2008

Anong nangyari??



Kahapon dumaan ang aming I.T.E. Roadshow. Maraming booth, walang klase sa lahat ng subjects. Nalibang ako mag-ikot-ikot kasama ng mga kaibigan ko. Magkakasama kami mula umaga hanggang hapon.

Di namin namalayan ang paglipas ng tanghali. In short nakalimutan naming kumain. Walang nakaalala sa aming tatlo na kailangan na pala naming kumain.

Lumipas ang hapon. Naka-duty na ako. Actually out na nga ako nung pinaalala sa akin ni ate na di ko kinain yung pagkain ko.

"Ay! ou nga noh?!?" nagulat pa ako. Naku lagot ako kay mother.

Di man lang nagrelamo yung tiyan ko na nagugutom na sya. tsk.stk.

Pag-uwi ko naman, umupo ako sa higaan namin. Wala sa loob na humiga, at di namalayang nakatulog na pala.

Anak ng kalabaw naman!!!!

Nakalimitan ko ring kumain ng hapunan (hindi ko man lang natikman yung binili kong pagkain). At paggising ko, nakalimutan ko rin palang magbihis ng pambahay. (wala man lang gumising sa akin???)

Anong nangyari sa akin??

6 comments:

Nyl said...

ako kapag di pa nakakain sa oras, di ako nakakaramdam talaga ng gutom pero magugulat nalang ako dahil nahihilo na ako at dami na ng paningin ko. hehe!

ano kaya nangyari sa tummy mo at di man lang nag complain?:)

Dear Hiraya said...

alam mo bang ako, kaya ako pumapayat, hindi lang dahil sa pagod, stress at antok, tingin, mas malaking factor ang pagkain, kasi dahil sa sobrang tulog nalilimutan kong kumain, o sobrang busy hindi pa rin ako nakakakain. basta, nagiging ireular na ang pagkain ko kaya tuloy nangangayayat na ako.. baka magaya ka sa akin hehehe..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

ka bute said...

ahahahaha. sign of aging?? oopss. ;)

Anonymous said...

Bat ganon magkaiba!! eh ako naman pag hindi ako kumain, hindi na ako makatrabaho iniisip ko na yun tyan ko!! heheh..

Love said...

@ nyl
hehe.. di pa naman ako umabot sa nahihilo.. siguro nangangatog lang ung tuhod.. ehehe

@fjordz
naku dumadalas na nga pag skip ko ng pagkain.. mas prone sa sakit ung ganun lalo na ung ulcer..

@ka bute
hehe.. kapag sobrang stress nagmumukang matanda pero ndi pa ako matanda noh?!? hehehe

@Mark
hehe... weird ung tiyan mo... may ibang ability... hehehe

Roland said...

baka inlove? hahaha...