There are some things in life we hardly can say. Sometimes we keep ourselves silent to play safe, to elude mistakes and to avoid arguments. Whenever I feel that way, I always get my pen and paper just to pour all my emotions, thoughts and opinion just to break the silence. In a way I get myself loose.For I know in this world, it is more than those words we could say. What matter is that you find your own way to express yourself, to let somebody know how you feel, in any way...
Tuesday, September 16, 2008
Different Side of Me
Labing walong taon na din ako nabubuhay sa mundo. Medyo matagal-tagal na rin yun. Pero may mga bagay talaga na gusto kong mabago kung bibigyan lang ako ng pagkakataon.
>Una sa lahat WALA akong balak palitan sa pamilya ko (Blessed ako sa family ko weh).
>Hindi rin sa simpleng buhay na meron ako (masaya ako kahit mahirap lang kami). Kahit minsan syempre nangangarap akong balang araw mabili ko yung mga bagay na gusto kong bilin(sino bang hindi?).
Eto na:
Kung talagang pagbibigyan lang ako ni Lord, at papipiliin Niya ako, mas pipiliin ko talagang maging lalaki. Oopps! teka lang! Hindi ako tomboy ah?!? (Gusto ko lang linawin).
Madalas ko lang talagang naiisip na sana lalaki na lang ako pero wala akong magagawa. Eto ang kapalaran ko.
Nung grade five nga ako, sabi ng seat mate ko sa akin: "Maswerte ka nga kasi yung ibang lalaki nagpipilit maging babae." Simula noon na-realize ko ang worth ng pagiging babae.
pero minsan lang talaga naiinggit ako sa mga lalaki lalo na kapag yung nag-uumpukan sila tapos puro kalokohan ang ginagawa. Parang ang saya ng mga samahan nila.
Ganun talaga. Hindi ko rin maiwasan na mangarap ng ganun. (Ang weird ba?!?) Ewan ko.. Basta sa maraming kadahilanan kaya nakakapag-isip ako ng ganun.
Inuulit ko hindi ako tomboy na gaya ng akala ng iba (including my mom.hehe). Ganun lang talaga ako. Ewan ko ba kung bakit.
Labels:
gender
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ehemmm, nakkuuu sayang naman ang "beauty" mo kung magiging tomboy. jusko wag naman sana. hahaha.
honga naman dapat ma-appreciate mo kung anong pinagkaloob sau. yung iba nga dyan, nagpipilit maging babae tas ikaw naman nangagarap maging lalake. ang weird ng mundo!
@ Kuya Roland
hehe... may pagka-baliw din kasi ako minsan... pero ndi nmn ako 100% lesbian.... mga 15% lang ... hehe joke lang..
anyway.. thanks sa pagdaan!!! :)
Post a Comment