Thursday, October 30, 2008

Goodbye to ITSO


Ilang beses na akong nakapunta ng Manila Zoo kasama ang pamilya ko pero iba 'tong lakad namin ngayon. Dahil nga sa malilipat na ng department kaming mga SA (student assistants) na dating nakadestino sa ITSO (Information Technology Service Office), ang iba ay mapupunta sa library, athletics dept, at ako naman ay sa alumni office, naisipan nila maam emy na mag-outing.


Nilubos ko na ang pagsama sa mga katrabaho ko. Alam kong mami-miss ko silang lahat. Sa higit isang taon ng pag-stay ko sa office, para na rin 'tong pangalawang bahay sa akin. Nagkaroon ako ng mga mababait na katrabaho at kasundo ko naman silang lahat.

Mami-miss ko silang lahat ng sobra. Alam kong magkikita-kita pa din kami sa school pero iba pa rin ang magkakatrabaho kayo. Masaya ako habang naka-duty dahil maganda ang working environment ko. Marami rin akong natutunan lalo na sa paggamit ng computer.

Kahit paano nagkaroon kami ng time na makapag-bonding kahit hindi kami kumpleto pero naging masaya naman ang lakad namin pero mas masaya pa din kung present ang lahat.




(maam dolly,sheila,love)

(rona,maam dolly,maam emy,sheila,lhen,love)

Sobrang lungkot ko nung nalaman kong 4 na lang ang maiiwan sa office namin. Pero lam kong sa bawat pangyayari may plano si Lord kaya dapat tanggapin at harapin ang katotohanan.





(maam dolly,rona,maam emy,love,lhen,sheila@wishing pond)


(maam emy, love,sheila,rona,maam dolly, che)



May ngiti ako nung umuwi na kami pero nung nakauwi na ko at tinetext ko na silang lahat, hindi ko din mapigil na umiyak (iyakin pala ako hehe). Napamahal na din sa akin yung mga taong 'to. Sobrang laki ng pasasalamat ko at napunta ako ng ITSO. Naging parte na din to ng buhay ko.




Kahit saan ako pumunta, isa pa din akong tiga-ITSO. Hinding-hindi ko sila makakalimutang lahat.




Im a




One Proud ITSO S.A.




6 comments:

Anonymous said...

san ka nga ba pupunta?

Dear Hiraya said...

waahh!!! e di hindi na tayo magkikita sa openlab ganun ba yun???


http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Love said...

@ Ka bute

Lilipat na ako ng ibang department.. mag-isa na lang ako dun.. huhu.. 14 kasi kami dati sa office namin.. Sa alumni office na ako mapupunta...

Love said...

@ fjordz

siguro baka madalang na lang.. pero bibisita pa rin ako dun kapag may time..

makikita mo na lang ako kapag graduate ka na at magpapa-clearance kasi sa alumni office na ako.. hehe..

Roland said...

wow, buti kapa... tanda ko na pero gng ngyon di ko pa rin nakikita manila zoo. ang masama laking maynila pa ako, hahaha.

Love said...

@Roland

hehe.. ang saklap naman nun!!
ganun talaga.. pag may time ka na lang daan ka ng manila zoo.. enjoy din naman eh..