Thursday, January 1, 2009

Christmas Vacation Galore

Wala naman kaming masyadong ginawa nitong christmas. Kumain lang, tapos kumain ulit, tapos kain ulit.. (sana tumaba na ko!!) hehe.. Puro reunions lang pero masaya naman. Syempre dapat ndi natin nakakalimutan ang reason kung bakit may pasko.

Medyo delayed na din tong post ko. Busy-busy-han kasi ako ngaung Christmas break. Tinatamad din ako at the same time kasi super bagal computer namin kaya instead na makapag update ako, hindi ko na nagagawang magpost. Masaya naman ang christmas kahit na ramdam ko na medyo tumatanda na ako at marami ng dapat regaluhan. hehe wala pa pla akong regalo sa inaanak ko. Bawi na lang sya next year. Kawawang bata nadamay sa global crisis.

Ito nga pla yung kaisaisa kong inaanak. Actually pinsan ko din sya. Si CJ na sobra ang kulit at mahilig sa picture! hehe
After namin kumain kumanta lang kaming magpipinsan. Videoke ang di mawawala tuwing ganitong season. Ito na ang bonding moment namin aside from eating.
Moment ko 'to!



Ito naman yung bonding moment ng mga medyo may katandaan na ng konti.. Ang magpicture!!


No comments: