Monday, May 4, 2009

Lunes na Lunes.


Lunes na lunes.

Sumakay ako ng jeep para pumasok sa school. Gaya ng nakasanayan, sa unahan ako ng jeep sumasakay para iwas hold-up. Inabot ko kay manong ang Php100.00 at sabi ko, Derecho-estudyante.

Maya-maya may sumakay na isang ale at isang mama. Nagbayad din daw umano ng Php100.00 yung dalawa. Hindi ko masyadong naintindihan nung una dahil nakasaksak ang earphone sa tenga ko.

Tinanong ako nung manong kung magkano ang binayad ko. Sabi ko, Php100.00 at pagkatapos nun sinuklian nya ako ng Php.70.00 (walang discount. Hindi na ako umapela).

Biglang nagreklamo ang mama sa likod. "Yung sukli sa isang daan. Dalawa yun. Sa shell house lang." Walang nagawa yung driver kung di suklian ang galit na mama. Binawi nya sa akin yung Php70.00 na sukli. Dahil akala ko naman na nagkamali lang sya, Ibinigay ko ng buong-buo.

At heto na, nung malapit na sa Recto, Sabi ko ng mahinahon, "Manong yung sukli ko po." Sagot nya "Alin? Sukli mo??" At dun na nagsimula ang away. Di ko na rin napigilan magtaas ng boses dahil sa sobrasng inis.

Pinipilit ni manong na hindi ako nagbayad ng Php100.00 at Php50.00 lang ang binayad ko at ako naman pinipilit ko na nagbayad ako at iyon naman talaga ang totoo. Sa bandang huli, hinayaan ko na lang na sukliaan nya ako sa halagang Php50.00 na sinasabi nya. Malapit na din kasi akong bumaba.

Sobrang sama ng loob ko. Tama ba namang pagbintangan akong may modus-operandi?? Bago ako bumaba, sabi ko kay manong "Sa susunod manong, tandaan nyo yung mga bayad sa inyo" sabay baba ng jeep.

Padabog akong naglalakad papuntang sakayan ng Pasig. Sama talaga ng loob ko. Wala naman sa akin kung mawalan ako ng Php50.00 dahil sa kabaliwan nya. Ang di lang talaga matanggap ng sistema ko ay yung pagbintang sa akin na manloloko ako.

Tatlong taon na akong nagbabyahe at ngayon lang nangyari sa akin to. Sa tatlong taon na yun lagi ko kasama si ate pumasok at umuwi ng school at dahil graduate na siya, ako na lang mag-isa. Wala ng magtataggol sa akin. Hindi rin kasi ako sanay makipag-away sa jeepney driver lalo na kung kulang ang sukli nila sa akin. Kadalasan, pinapabayaan ko na lang sila.

Kahit paano proud din ako sa sarili ko dahil this time, nagawa kong ipagtanggol ang sarili ko. Parang nato-trauma na tuloy ako sumakay ng jeep. hayzzz.

17 comments:

Anonymous said...

kainis nga yung ganyan, pati yung mga driver na may amnesia na di nagsusukli kagad.

kaya kahit 50 centavos or 25 centavos kinukuha ko pa rin.

napunding alitaptap... said...

tsaka hindi mo sya kalevel...hamona.

Dear Hiraya said...

grabe naman si manong drayber! kung ako yun, makikipagebate talaga ako. mukha ka kasing tahimik at hindi makikipag away kaya siguro ikaw na lang ang biniktima ni manong! grabe talaga yang mga drayber na yan!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Love said...

@ choknat

super nakakinis nga ung ganung mga manong.. sila na nga nakalimot, ikaw pa maaabala.. hayz..

Love said...

@ napunding alitaptap

ou nga.. naisip ko din yan.. kaya lang baka kasi masyadong ma-down si manong kapag pinamukha ko pa sa kanya na di kami magkalevel...

Love said...

@ fjordz

naku.. yun talaga ako di marunong, makipag-debate.. hanggat maaari kasi gusto ko umiwas sa away..
hindi talaga ako marunong dumepensa sa sarili lalo na kapag inaaway ako...
sana nga matapang din ako..

ROM CALPITO said...

Hi julie minsan sinasadya nila yan komo nga gurly kayo next time yung barya nlang lagi ang iaabot mo.

Love said...

@ jettro

heheh hindi po ako si julie.. c love po ako!! (^^,)

ou nga po next time barya na lang babayad ko..

cpsanti said...

uy sa totoo lang nakakainis nga ang nangyari sa iyo. hope things will be better for you this week! ;-)

Love said...

@ cpsanti

ou nga eh.. super kaiinis.. sana nga maging ok itong week na to..

salamat sa pagbisita!!!

Charmoii said...

natatawa ako sa kwento mo sis. hehe. sa harapan ka na nga naka`upo, ikaw pa yung hindi nya natandaan. hehe. okay lang yan. buti hindi pa nangyayari sakin ang ganyan. di ko sure kung kaya ko rin ipagtanggol ng ganyan sarili ko eh. hehe.

Love said...

@ charmoii

hehe un nga ung nakaka-asar na part dun eh..

ulyanin na yata si manong..

ROM CALPITO said...

Ay mali LOVE pala sorry ha.. napadaan uli ako.. thanks din love sa pagdaan sa aking hangout.

rich said...

may mga ganyan talaga... hayaan mo na lang pag ganun, siguro may memory gap lang sya... pero ang masama nun kung sinasadya nya lang yun para kumita ng mas malaki... T.T

Love said...

@ rich

hehe malamang memory gap nga un...
sa tingin ko nagipit nga din si manong..

*salamat sa pagbisita!!!

Anonymous said...

uyyyy independent na sya... hehe..

ayos yan.. kakainis mga driver na ganun. sa harap ka na nga nakaupo nalimutan nya pa.. tsk.

kcatwoman said...

diba mas magand talaga yung feeling na may nasabi ka kaysa tumahimik na lang.sure mas sasama ang llob mo nun.kaya at least may nasabi ka. have a nice day though :-)



http://ldsfilipina.blogspot.

com