Friday, June 27, 2008

Pulubi


Kaninang umaga, habang nakasakay sa jeep na may byaheng Gasak-Recto, nakakita ako ng isang pamilyang pulubi na natutulog sa gilid ng daan.

-Isang batang lalaki na may gulang na 5-6 na taon
-Isang nanay na natutulog pa din
-Isang lalaki na naghuhugas ng pinggan.

Ang mga ganitong eksena ay pangkaraniwan na para sa karamihan sa atin lalo na dito sa Maynila-- mga batang madudungis at nanlilimos. Ewan ko ba kung bakit sa loob ng mahigit 2 taon kong pagbabyahe, ngayon lang ako nauntog sa katotohanan.

Katotohanan kung gaano ako kaswerte sa kalagayan ko. Alam kong "hindi" kami mayaman o may kaya man lang pero na-realize ko kung gaano ako kapalad nung nakita ko yung ganung senario.

Hindi ko maipaliwanag pero ganun yung pakiramdam na parang may sumampal sa'yo. Napuno ako ng awa para sa iba. Kakaiba talaga.

Thank you kay Lord for making me realize these things.

2 comments:

Zeee said...

unfortunately, there are a lot of children between ages 2-10 who are on the streets... sayang hindi sila nakapag-aral...

sayang din kasi pagka 10 yrs and above, mag sniff na sila ng rugby...

Deranged Insanity
Traipsey Turvey
PierrEzrah

Anonymous said...

salamat sa comment Z'riz

Ou nga eh.. Parang nakaka-alarm yung ganung situations para sa pilipinas..