Thursday, July 17, 2008

Exams... ( a student must read)


3 down.
2 to go.

Yan yung status ng exams namin. Thursday ngayon. Dapat nagrereview ako para sa exam namin bukas na Logic Circuits pero eto ako nagba-blog. Hehe.

Kanina may nagtext sa akin na wala daw yung professor namin bukas (kakagaling lang ng hospital) kaya wala pa kaming exam.


Ang daming mga kwento sa likod ng mga estudyanteng kumukuha ng exams. Malamang alam nyo na yung ibig kong sabihin. Ano pa kundi ang KOPYAHAN.

Parang nakadikit na yata sa balat ng mga kolehiyong estudyante ang pangongopya. Kung baga katulad din ng kurapsyon sa gobyerno, nasa sistema na. Parang di na maaalis. Parang permanente na. At madalas, sa pangongopya na lang nakadepende ang ilan.

Sabi nga nila, Exciting! Parang nagkakaroon ng kulay ang pag-take ng exam. Parang katulad ng larong Hide and Seek. hehe. Puno ng Thrill. Parang ganito lang ang mechanics:

Estudyante- titingin ng matagal sa teacher. (para tignan kung nakatingin din sa kanya yung teacher) kung hindi nakatingin ang teacher, senyas, silip, o bulong sa katabi para malaman ang sagot. (bahala na yung estudyante).

Professor- mag-iikot-ikot. tingin sa kanan, sa kaliwa, sa unahan at likuran. Magaabang ng mahuhuling estudyante. Kapag may nahuli, Jockpot! Parang nanalo sa lotto. (Sa dami ba naman kasi ng estudyanteng nagkokopyahan, isa ka sa winner! )

Nariyan din ang paminsan-minsang paglabas ng mga Leakage na hindi ko alam kung saang ilalim ng lupa nanggaling.

At kung minsan, (kagaya sa mga klasmeyt ko) nagkakaroon din ng samaan ng loob at nauuwi sa alitan ang hindi pagbibigay ng sagot sa iba mo pang klasmeyt. Napaghuhusgahan kang walang pakisama. Kanya-kanyang parinigan, kampihan atkung anu-ano
pang kabaklaan.

Ganito na nga marahil kadesperado ang mga estudyante ngayon.
Naalala ko tuloy ang quiz namin ng Logic. Binigyan kami ng instruction na dalhin ang lahat ng gamit sa likod. Kapag nalagay na,tsaka mag-uumpisa ang quiz.

Mukhang nangangamote ang lahat. Walang makapagtanong sa katabi. Meron akong klasmeyt na nakaupo sa tapat ko.Mukhang walang maisagot. Naisip kong ibigay yung scratch ko sa kanya para may maisagot man lang sya (kahit konti) pero bago pa man ang lahat, laking gulat ko ng bigla syang maglabas ng notebook! (anak ng tooooot..) Hehe. Napangiti na lang ako.

Yan ang mga eksenang nakakagimbal kapag dumating na ang mga pagsusulit. Nakakatawa ang ilan pero totoo. Hindi patas, hindi tama, hindi makatarungan pero nangyayari. Siguro kung lahat ng estudyante ay magrereview, hindi na siguro nauso ang kopyahan at hindi na din siguro dumugo ang mga ilong nila kakahanap ng sagot sa katabi.

2 comments:

Anonymous said...

...gnun n nga cgro tlga mga estudyante ngaun...hehehe

Love said...

@anonymous

hehe mga 90% ganun na nga ang estudyante....

by the way salamat sa pagdaan mo kahit wla kang pangalan...

Always feel free to visit me here...
thanks...