Friday, July 18, 2008

Weird Trip

Kanina nakasakay ako sa jeep na byaheng Recto. May sumakay na isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 15-16 years old. May dalang dalawang supot ng plastic (asul at pula) , isang back pack na asul at mukhang punong-puno ng gamit at isang lumang body bag na nakasukbit sa balikat nya.

Laking gulat at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko inaasahan ang mga ganung pangyayari. May biglang lumitaw na isang pusa mula sa kanyang body bag! Hala! Nagulat talaga ako. At mas lalo kong ikinagulat nang malaman na hindi lang isa kundi dalawang pusa sa loob ng bag niya.

Tinitigan kong mabuti at baka meron pang pangatlo pero wala na. Dalawa lang. Hindi ko alam ang dapat maramdaman kung maku-cute-an, mandidiri, magugulat, magtataka. Halo-halo na.

Kakaiba talaga sa lahat! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng pasahero na may laman na pusang kalye ang bag. Sobrang Weird.





7 comments:

Chrix said...

baka tagagawa ng siopao yan. nangongolekta ng pusa. hehehe

Ehjayculate said...

well, i guess he's just making a fashion statement! ... if paris can tinkerbell around ... then why cant he carry and flaunt garfield and tom around manila! ... harhar

Jez said...

Hahaha... baka pet-lover talaga :))

Gracey said...

gusto ko ring makakita ng ganyan..

Niel said...

napanood ko sa kapuso jessica soho na inuulam na ang pusa. baka uulamin nila pag uwi nya.

Anonymous said...

nice cat....:D

Carla said...

weirdo! heehee...