Friday, August 15, 2008

Baha sa Manila!


Kulog.
Kidlat.
Ulan.

Pagkabuhos ng napakalakas na ulan, asahan mo kasunod na ang

Baha.

Kagabi habang nasa SM manila, aakalain mong nag-extend ang Pasig river. Sobrang baha sa kaMaynilaan.

Kelangan namin makatawid papuntang Mapua pero talagang sobrang baha.

Nagtanong kami ng tricycle:
"Manong magkano po papuntang Mapua?"
(di rin namin alam yung talagang presyo nun.)

"Php.70.00 kayong dalawa na."

ANG MAHAL!! ( naku naman manong.. walking distance lang yun wah. eh di sana nag-taxi n lng kmi)

"Wag na lang po manong. Thank you na lang po." Sabay alis.

Si manong nag-eexplain pa.
"Malayo kasi yun eh kaya ganun."

Para namang hindi namin alam yung lugar kung magpresyo si manong.

Kaya napilitan kaming maglusong.

Hindi ako makapaniwala na sa gitna ng kaMaynilaan ay naglulusong ako. Hindi naman ako nandidiri sa baha kasi sanay ako sa baha sa Malabon. Parang
unusual kasi yung ganun. Naisip ko na lang:

Minsan lang sa buhay ang ma-experience yung ganitong naglulusong sa labas ng SM Manila.

At syempre pa hindi mawawala ang mga "Kumikitang-kabuhayan" tuwing maulan. Nanjan ang payong, tricycle, kalesa, at tsinelas.

Ang saya ding experience nun at awa ng Diyos, nakarating din kami sa pupuntahan namin at nakauwi din kami sa bahay kahit gabi na.


7 comments:

Anonymous said...

hahaha. minsan masayang magtampisaw sa tubig ulan. lalo sa probinsya. dito kasi maynila may mga kasamang lumulutang na kung ano ang baha e. hehehe

Anonymous said...

hahaha. minsan masayang magtampisaw sa tubig ulan. lalo sa probinsya. dito kasi maynila may mga kasamang lumulutang na kung ano ang baha e. hehehe

Anonymous said...

kumusta naman talaga yung ulan last week! gumuguhit yung kidlat!

Roland said...

ok lang saken lumusong sa baha pag umuulan... mas malinis kasi yung tubig... kaysa pag high-tide, ewwww!!! hahaha.

Love said...

@ ka bute
hehe.. di ko pa na-try na maglusong sa province pero natry ko na maglusong sa maruming baha kasi tiga-malabon ako weh.. hehehe..

Love said...

@daswandern
ou nga grabe ung kidlat..
nawalan pa nga ng power d2 sa school eh.. sobrang lakas..

Love said...

@roland
nung lumusong kami malinis nga ung tubig parang galing ng mountain.. wala namang lumulutang.. pero kulay brown ung tubig.. hehe..