Saturday, November 29, 2008

Christ Cares Family Assembly of God

Nagsimula ang Christ Cares Family Assembly of God (isang born again christian church) sa silong ng isang lumang bahay. Dito kami nagsisimba tuwing Linggo at dinadaluhan naman ito ng mahigit kumulang 60 na tao.

Maliit ang lugar na ito para sa 60 katao na dumadalo. Sa loob ng mahigit 5 taon naming na pag-stay sa lugar na ito, marami na ring nagawang accomplishments ang church namin. Marami na ring napagdaanan at naging bahagi na rin ito ng buhay namin.

Bukas, iyon na ang huling linggo namin sa lugar na ito dahil kailangan nang ibenta na may-ari. Nakakalungkot din dahil kelangan naming umalis sa nakasanayang lugar pero alam ko na
God will lead us to a better place.

Since binabaha din ang lugar na ito, medyo hirap din kami sa pag-aayos ng mga instruments namin gaya ng mga drum set, gitara, microphones at mga speaker pero sanay na kami sa baha kasi tiga-Malabon nga kami (hehe).

Hopefully makakita na kami ng lugar na matatawag naming sarili naming church at lugar na hindi kami kailangan mag alala kung nakakaistorbo na kami sa may-ari ng bahay.



Maganda rin naman ang naging pakitungo ng may-ari ng bahay sa amin at pinagpapasalamat ko talaga yun at binigyan kami ng pagkakataong mag-stay dun ng libre. Napakalaking tulong na nun para sa isang maliit na simbahan.

On top of this, I end up to this thought:

We might see things falling apart, but if we try to look at it again, things are actually falling into their right places.



Wednesday, November 19, 2008

New Post


Akala ko madali na sa akin ang maging updated lagi sa blog ko lalo na ngayong start na ng 2nd sem. Hindi rin kasi sapat yung time na meron ako ngayon kaya heto, patakas-takas lang ng post. Hindi na rin ako nakakapag-blog-hop at hindi ko na rin navi-visit ng regular yung mga nasa blog rolls ko.


Ganun pa man, syempre hindi ko pa din nakakalimutan yung mga taong matiyagang bumibisita sa akin kahit bihira na lang akong mag-update ng blog ko. Kaya sa lahat ng mga dumadaan at nagpaparamdam, sa mga nag-iiwan ng bakas at sa mga nagkukumento, sa matiyagang nagbabasa ng mga post ko at sa bumabalik para tignan kung may new post na ako(kung meron man.haha),




Salamat!

Thursday, October 30, 2008

Goodbye to ITSO


Ilang beses na akong nakapunta ng Manila Zoo kasama ang pamilya ko pero iba 'tong lakad namin ngayon. Dahil nga sa malilipat na ng department kaming mga SA (student assistants) na dating nakadestino sa ITSO (Information Technology Service Office), ang iba ay mapupunta sa library, athletics dept, at ako naman ay sa alumni office, naisipan nila maam emy na mag-outing.


Nilubos ko na ang pagsama sa mga katrabaho ko. Alam kong mami-miss ko silang lahat. Sa higit isang taon ng pag-stay ko sa office, para na rin 'tong pangalawang bahay sa akin. Nagkaroon ako ng mga mababait na katrabaho at kasundo ko naman silang lahat.

Mami-miss ko silang lahat ng sobra. Alam kong magkikita-kita pa din kami sa school pero iba pa rin ang magkakatrabaho kayo. Masaya ako habang naka-duty dahil maganda ang working environment ko. Marami rin akong natutunan lalo na sa paggamit ng computer.

Kahit paano nagkaroon kami ng time na makapag-bonding kahit hindi kami kumpleto pero naging masaya naman ang lakad namin pero mas masaya pa din kung present ang lahat.




(maam dolly,sheila,love)

(rona,maam dolly,maam emy,sheila,lhen,love)

Sobrang lungkot ko nung nalaman kong 4 na lang ang maiiwan sa office namin. Pero lam kong sa bawat pangyayari may plano si Lord kaya dapat tanggapin at harapin ang katotohanan.





(maam dolly,rona,maam emy,love,lhen,sheila@wishing pond)


(maam emy, love,sheila,rona,maam dolly, che)



May ngiti ako nung umuwi na kami pero nung nakauwi na ko at tinetext ko na silang lahat, hindi ko din mapigil na umiyak (iyakin pala ako hehe). Napamahal na din sa akin yung mga taong 'to. Sobrang laki ng pasasalamat ko at napunta ako ng ITSO. Naging parte na din to ng buhay ko.




Kahit saan ako pumunta, isa pa din akong tiga-ITSO. Hinding-hindi ko sila makakalimutang lahat.




Im a




One Proud ITSO S.A.




Saturday, October 11, 2008

Welcome Back to Me!


Paglipas ng mahabang pahanon...

Heto na ako!! hehe. Nagbabalik. Bumwelo lang.

(Grabe. Na-miss ko itong pagta-type d2 sa page na 'to ng blogger.)

Daming happenings na hindi na post. Isa na dito yung nakalipas na exams at ga-bundok na mga projects. Hindi ko talaga maintindihan ang mga prof kung bakit kapag finals na tsaka naman sila nagsasabay-sabay magbigay ng projects. Pwede namang prelim or midterm ibigay para hindi magahol ang mga estudyante sa oras. Tsk. tsk.

(Well, tama na muna reklamo. Matagal din akong nawala sa sirkulasyon. Naging busy.)

At ngayon naman, kailangan kong maghintay ng grades na lalabas sa friday. Kinakabahan ako sa totoo lang. Kapag kasi hindi ko naabot ang maintaining grade na 2.5, ibig sabihin nun katapusan ko nah!! Oh no!!

Kaya eto.. kabado pa rin hanggang ngayon.. Parang hindi ko kayang masabi sa mga magulang ko na hindi ko nakuha ung 2.5 . Mahirap tanggapin un.

Wala akong magagawa kundi pag-pray na lang ung result ng exams at ng final grades namin.

Anyway, masaya pa din ako sa time na meron ako ngaun para sa new post na to.

Welcome Back to Me!

Thursday, September 18, 2008

Anong nangyari??



Kahapon dumaan ang aming I.T.E. Roadshow. Maraming booth, walang klase sa lahat ng subjects. Nalibang ako mag-ikot-ikot kasama ng mga kaibigan ko. Magkakasama kami mula umaga hanggang hapon.

Di namin namalayan ang paglipas ng tanghali. In short nakalimutan naming kumain. Walang nakaalala sa aming tatlo na kailangan na pala naming kumain.

Lumipas ang hapon. Naka-duty na ako. Actually out na nga ako nung pinaalala sa akin ni ate na di ko kinain yung pagkain ko.

"Ay! ou nga noh?!?" nagulat pa ako. Naku lagot ako kay mother.

Di man lang nagrelamo yung tiyan ko na nagugutom na sya. tsk.stk.

Pag-uwi ko naman, umupo ako sa higaan namin. Wala sa loob na humiga, at di namalayang nakatulog na pala.

Anak ng kalabaw naman!!!!

Nakalimitan ko ring kumain ng hapunan (hindi ko man lang natikman yung binili kong pagkain). At paggising ko, nakalimutan ko rin palang magbihis ng pambahay. (wala man lang gumising sa akin???)

Anong nangyari sa akin??

Tuesday, September 16, 2008

Different Side of Me


Labing walong taon na din ako nabubuhay sa mundo. Medyo matagal-tagal na rin yun. Pero may mga bagay talaga na gusto kong mabago kung bibigyan lang ako ng pagkakataon.

>Una sa lahat WALA akong balak palitan sa pamilya ko (Blessed ako sa family ko weh).

>Hindi rin sa simpleng buhay na meron ako (masaya ako kahit mahirap lang kami). Kahit minsan syempre nangangarap akong balang araw mabili ko yung mga bagay na gusto kong bilin(sino bang hindi?).

Eto na:

Kung talagang pagbibigyan lang ako ni Lord, at papipiliin Niya ako, mas pipiliin ko talagang maging lalaki. Oopps! teka lang! Hindi ako tomboy ah?!? (Gusto ko lang linawin).

Madalas ko lang talagang naiisip na sana lalaki na lang ako pero wala akong magagawa. Eto ang kapalaran ko.

Nung grade five nga ako, sabi ng seat mate ko sa akin: "Maswerte ka nga kasi yung ibang lalaki nagpipilit maging babae." Simula noon na-realize ko ang worth ng pagiging babae.

pero minsan lang talaga naiinggit ako sa mga lalaki lalo na kapag yung nag-uumpukan sila tapos puro kalokohan ang ginagawa. Parang ang saya ng mga samahan nila.

Ganun talaga. Hindi ko rin maiwasan na mangarap ng ganun. (Ang weird ba?!?) Ewan ko.. Basta sa maraming kadahilanan kaya nakakapag-isip ako ng ganun.

Inuulit ko hindi ako tomboy na gaya ng akala ng iba (including my mom.hehe). Ganun lang talaga ako. Ewan ko ba kung bakit.

Monday, September 15, 2008

Busy Days

well.... matagal tagal din akong wlang post d2... kahit gustong gusto ko ng magpost i relly can't find the time...

so e2 ako ngaun sa short post...
good luck sa inyong lahat!!!!!

Friday, September 5, 2008

Personality Development


Kahapon um-attend ako ng seminar d2 sa school. Natuwa naman ako kasi kahit paano medyo na uplift din yung spirit ko. Gusto ko lang i-share yung ibang quotable quotes na sinabi nung speaker.

- There's no guarantee that tomorrow will come, so do it today.

-Word is not only a 4-letter thing but it is something deeper than that. Saying the word makes the difference.

Maganda yung mga sinabi nung speaker. Sana magamit nating lahat sa everyday life.

Thursday, August 28, 2008

Hindi to para sayo, para sa kanya to


Sa mahabang panahon ako'y api. Hindi nagtatangkang lumaban.


Duwag.


Oo. Laging nananahimik, hindi umiimik, tikom ang bibig, hindi marunong humarap sa kalaban,laging talo. Pero sa ginawa mo, parang nabago ang pananaw ko. Ayokong magtanim ng sama ng loob, lalo na sa 'yo. Nirerespeto kita.


Nanalangin na lang ako:
"Lord wag mong hayaan na magalit ako sa kanya, Lord please help! (kahit mukhang mangkukulam 'tong bruhang to)."


Sana lang nadinig ako ni Lord. Naalala ko tuloy 'tong verse na to:


Do not take revenge my friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "it is Mine to avenge; I will repay." says the Lord. -Romans 12:19

So kahit mahirap, kailangan magpatawad ng kinaiinisan mong bruha sa buhay mo.

Bahala na si Lord sa kanya.

Sunday, August 24, 2008

My 2nd Message


After 8 months and 22 days, that was December 2, 2007.


Kanina, ako yung naka-schedule na mag-message sa Youth service namin sa church. Bilang mga nakatatandang kabataan sa loob ng church, kami ang mga naatasang magdeliver ng message.


Kagabi lang ako nakapag-prepare (buti na lang nanjan si mommy, tinulungan nya ako). Sobrang kaba. Di nga ako makatulog eh. Pero nag-pray na lang ako.


At kanina, mukha namang maayos ko syang na-deliver.


"Kabataang Kristiano, Angat sa iba."
---Yan yung title ng message ko.


Psalms 1:1-3 naman yung verse ko.


Hay. Thank you Lord. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Tuesday, August 19, 2008

Panahon


Mahirap mapagkaitan ng panahon dahil ang panahong lumipas di na babalik kahit kelan. Sabihin ang dapat masabi, gawin ang dapat gawin, ipadama ang dapat iparamdam, tanggapin ang katotohanan, patawarin ang nagkamali at lakbayin ang tamang daan.

Kung palalampasin ang lahat ng pagkakataon, ano na lang ang mangyayari? May magagawa ba yun? May mababago ka ba? WALA! Puro PANGHIHINAYANG.

kung dapat lunukin ang pride, kung dapat mauna, kung kapalit man ay mapahiya ka, Eh ano? Kesa maragdagan ang PANGHIHINAYANG, PAGSISISI at KALUNGKUTAN.

PANAHON ang nasasayang. Kahit ang kapalit pa ay buhay, hindi na mbabalik yan at walang sinuman sa ibabaw ng mundo ang makakagawa nyan.

Kung maunahan man ng takot, kung lamunin man ng hiya, kung supilin ng kaba, hindi ka NAG-IISA. Kasama ako dun.

Kasama akong NAGSAYANG ng panahon at pagkakataon.


Friday, August 15, 2008

Baha sa Manila!


Kulog.
Kidlat.
Ulan.

Pagkabuhos ng napakalakas na ulan, asahan mo kasunod na ang

Baha.

Kagabi habang nasa SM manila, aakalain mong nag-extend ang Pasig river. Sobrang baha sa kaMaynilaan.

Kelangan namin makatawid papuntang Mapua pero talagang sobrang baha.

Nagtanong kami ng tricycle:
"Manong magkano po papuntang Mapua?"
(di rin namin alam yung talagang presyo nun.)

"Php.70.00 kayong dalawa na."

ANG MAHAL!! ( naku naman manong.. walking distance lang yun wah. eh di sana nag-taxi n lng kmi)

"Wag na lang po manong. Thank you na lang po." Sabay alis.

Si manong nag-eexplain pa.
"Malayo kasi yun eh kaya ganun."

Para namang hindi namin alam yung lugar kung magpresyo si manong.

Kaya napilitan kaming maglusong.

Hindi ako makapaniwala na sa gitna ng kaMaynilaan ay naglulusong ako. Hindi naman ako nandidiri sa baha kasi sanay ako sa baha sa Malabon. Parang
unusual kasi yung ganun. Naisip ko na lang:

Minsan lang sa buhay ang ma-experience yung ganitong naglulusong sa labas ng SM Manila.

At syempre pa hindi mawawala ang mga "Kumikitang-kabuhayan" tuwing maulan. Nanjan ang payong, tricycle, kalesa, at tsinelas.

Ang saya ding experience nun at awa ng Diyos, nakarating din kami sa pupuntahan namin at nakauwi din kami sa bahay kahit gabi na.


Thursday, August 14, 2008

Psycho Class


Tuwing TTH, lagi kong inaabangan ang 10:30-12:00 kong class sa 4th floor. Si Sir Rogelio dela Cruz ang prof namin at talaga namang he never fails to make us laugh.

Sobrang natutuwa ako sa mga JOKES nya. Parang ang dami nyang alam sa buhay. Pinapayuhan nya kami sa class namin kung saan nakaka-relate naman ang karamihan(kulang na lang maiyak sila).

"Kaya kayo nasasaktan kasi you always expect things will be better."

-he was referring to those people who are still clinging on to their "not working" relationships.

"Once a person is considered to be an X, it will be an X 'til eternity."

Hindi naman ako maka-relate sa mga Love life topics... pero maganda yung mga advice na yun(ewan ko kung ano sa tingin nyo pero sa akin maganda yan).


Sunday, August 10, 2008

ACC friends

I was surprised and at the same time delighted.

-when i found out about the ACC picture that my high school friend made.

ACC - stands for Addict Cat Clan (which I don't know why). Founded 12th day of whatever month and year(i forgot the month and year but i can still remember the day) when I was still a 4th year high school student. With 12 members, and that includes ME!

I've shared most of my time with 'em. We do
silly things together and laugh at our own craziness.

Though it's been more or less 2 years of being departed from one another, still, we try our best to always keep in touch.

Often times, when the 12th day of the month comes, they pick me up in our house and we'll go somewhere else to pick up the other members. I really like it when they do it as if they value me so much.

I don't have any idea on what they're into right now. I hope to see them all soon.



I miss them!!

(I like the thought of exerting effort to collect all the members' picture)

Friday, August 8, 2008

Ocho


08-08-08.

Swerte daw ngayong araw na ito.
Ewan ko kung totoo yun. Pero parang normal na araw lang to weh.

Walang espesyal.

Siguro sa iba swerte nga talaga tong araw na to pero hindi sa lahat.

Time to Rest


Salamat kay Lord.

Walang pasok sa August 18 & 25, 2008.
Matagal ko nang pangarap 'to.

Ang makatulog ng mahaba-haba.

Monday, August 4, 2008

Game of Four

Instructions:
What you are supposed to do...and please don't spoil the fun... Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don't forget to change my answers to the questions with that of your own.(^^,)




***********Here it goes************

(A) Four places I go over and over:

School, Church, Bahay (la na ko maisip) ahm.. sa grocery store(pag may pera).

(B) Four people who e-mail me regularly:

Jenny Raj(my dear cousin), Astrology updates, Friendster Updates, yahoo group msgs.

(C) Four of my favorite places to eat?

sa KFC love their mashed potato, dunkin donuts,mini stop (kapag inabutan ng gutom sa recto), syempre sa bahay.(pasingit na din ng jollibee)

(D) Four places you'd rather be?

1. Gusto ko talaga sa dagat o basta may tubig gaya ng swimming pool pwede na din yung baha. Basta enjoy ako kapag nakakakita ng water formations.

2. Sa bubong kapag maggagabi na. Gusto ko lang makita yung mga stars. Pati yung meteors then magwi-wish ako.

3. Yung peaceful na lugar tapos may gitara ako.

4. Sa San Miguel bulacan. wala lang. presko kasi dun pati tahimik. relaxing.

(E) Four people I think will respond:

Si Chris, Ann, damuhan, and Jez. (sana magrespond sila.hehe)

(F) Four TV shows I could watch over and over:

Anu nga ba? konti na lng napapanuod ko pag gabi eh. Siguro News, MYX, Pinoy Dream academy, Dyesebel. (yun lang mga naaabutan ko weh.)


Now, I'm tagging:Ann, Chris, Damuhan and Jez.



Thanks to Fjordz for making this exciting 'tagged' game posible.

Finally I'm tagged.
Now it's Your turn.

Bukas, Makalawa

Ang dami ko na ding na-missed na i-post dito sa blog ko. Ewan ko ba kung bakit talaga bigla akong tinamad mag-blog nitong nakakaraang araw. Hindi naman ako ganito dati.

Hayz. Siguro nga dumadating sa mga bloggers yung ganitong panahon na para bang gusto mo na lang iwan yung blog mo tapos parang ayaw mo na pakialamanan.

May mga nabasa na din akong ganitong eksena sa iba pang blog kaya naisip ko baka normal nga siguro yun. Darating din yung time na gaganahan din akong mag-blog. Siguro someday. Baka bukas or sa makalawa. Hindi ko din alam

"it is nice to be silent once in awhile. but hwag naman sanang "goodbye" sa blogosphere..."
-Mico Lauron (comment)

Syempre naman di ko pa iiwan tong pagba-blog. Madami pa akong gustong matutunan at malaman mula sa iba pang masisipag na bloggers. Sa ngayon ganito muna.

Wednesday, July 30, 2008

. . .


I don't know why i suddenly lost my appetite for blogging. Maybe because of my busy life nowadays. I used to be so excited every time I have a break time and I'll rush towards the open laboratory to check out what's new in my blog. And my friends used to call me "Adik." But right now as if i don't want to care.

Maybe there comes a time that we lost our passion for blogging and as if we wanted to leave the thing that we used to love behind.


Friday, July 18, 2008

Weird Trip

Kanina nakasakay ako sa jeep na byaheng Recto. May sumakay na isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 15-16 years old. May dalang dalawang supot ng plastic (asul at pula) , isang back pack na asul at mukhang punong-puno ng gamit at isang lumang body bag na nakasukbit sa balikat nya.

Laking gulat at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko inaasahan ang mga ganung pangyayari. May biglang lumitaw na isang pusa mula sa kanyang body bag! Hala! Nagulat talaga ako. At mas lalo kong ikinagulat nang malaman na hindi lang isa kundi dalawang pusa sa loob ng bag niya.

Tinitigan kong mabuti at baka meron pang pangatlo pero wala na. Dalawa lang. Hindi ko alam ang dapat maramdaman kung maku-cute-an, mandidiri, magugulat, magtataka. Halo-halo na.

Kakaiba talaga sa lahat! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng pasahero na may laman na pusang kalye ang bag. Sobrang Weird.





Thursday, July 17, 2008

Exams... ( a student must read)


3 down.
2 to go.

Yan yung status ng exams namin. Thursday ngayon. Dapat nagrereview ako para sa exam namin bukas na Logic Circuits pero eto ako nagba-blog. Hehe.

Kanina may nagtext sa akin na wala daw yung professor namin bukas (kakagaling lang ng hospital) kaya wala pa kaming exam.


Ang daming mga kwento sa likod ng mga estudyanteng kumukuha ng exams. Malamang alam nyo na yung ibig kong sabihin. Ano pa kundi ang KOPYAHAN.

Parang nakadikit na yata sa balat ng mga kolehiyong estudyante ang pangongopya. Kung baga katulad din ng kurapsyon sa gobyerno, nasa sistema na. Parang di na maaalis. Parang permanente na. At madalas, sa pangongopya na lang nakadepende ang ilan.

Sabi nga nila, Exciting! Parang nagkakaroon ng kulay ang pag-take ng exam. Parang katulad ng larong Hide and Seek. hehe. Puno ng Thrill. Parang ganito lang ang mechanics:

Estudyante- titingin ng matagal sa teacher. (para tignan kung nakatingin din sa kanya yung teacher) kung hindi nakatingin ang teacher, senyas, silip, o bulong sa katabi para malaman ang sagot. (bahala na yung estudyante).

Professor- mag-iikot-ikot. tingin sa kanan, sa kaliwa, sa unahan at likuran. Magaabang ng mahuhuling estudyante. Kapag may nahuli, Jockpot! Parang nanalo sa lotto. (Sa dami ba naman kasi ng estudyanteng nagkokopyahan, isa ka sa winner! )

Nariyan din ang paminsan-minsang paglabas ng mga Leakage na hindi ko alam kung saang ilalim ng lupa nanggaling.

At kung minsan, (kagaya sa mga klasmeyt ko) nagkakaroon din ng samaan ng loob at nauuwi sa alitan ang hindi pagbibigay ng sagot sa iba mo pang klasmeyt. Napaghuhusgahan kang walang pakisama. Kanya-kanyang parinigan, kampihan atkung anu-ano
pang kabaklaan.

Ganito na nga marahil kadesperado ang mga estudyante ngayon.
Naalala ko tuloy ang quiz namin ng Logic. Binigyan kami ng instruction na dalhin ang lahat ng gamit sa likod. Kapag nalagay na,tsaka mag-uumpisa ang quiz.

Mukhang nangangamote ang lahat. Walang makapagtanong sa katabi. Meron akong klasmeyt na nakaupo sa tapat ko.Mukhang walang maisagot. Naisip kong ibigay yung scratch ko sa kanya para may maisagot man lang sya (kahit konti) pero bago pa man ang lahat, laking gulat ko ng bigla syang maglabas ng notebook! (anak ng tooooot..) Hehe. Napangiti na lang ako.

Yan ang mga eksenang nakakagimbal kapag dumating na ang mga pagsusulit. Nakakatawa ang ilan pero totoo. Hindi patas, hindi tama, hindi makatarungan pero nangyayari. Siguro kung lahat ng estudyante ay magrereview, hindi na siguro nauso ang kopyahan at hindi na din siguro dumugo ang mga ilong nila kakahanap ng sagot sa katabi.

Tuesday, July 15, 2008

What I really want


I really want to have one of this.

Hay.. Buhay..

Nakakapagod din pala mag-aral. Ayoko munang sagarin ang utak ko ngayon kaka-english. Purgang-purga na ako sa bagong school policy na "English Speaking Policy" Chorva Eklavu..

-puyat
-stress
-pressure
-dead lines
-prelim exams


Hayz.. Gusto ko ng pahinga at tulog. Mahabang-mahaba.

Alam ko wala akong karapatan magreklamo dahil mas maraming tao ang mas nahihirapan sa kalagayan nila. Pero gusto ko lang i-
express yung mga bagay na gusto kong gawin. Sana may nakakaunawa sa akin.


Sunday, July 13, 2008

Hmmm...


(I took this picture at the Philippine Air Lines)

I wanted to post something that I have just remember tonight.
Reminds me of my dear cousin jenny. Who was once lived here in the Philippines but then eventually need to migrate in America. I just missed her.
It feels like I wanted to hate airports.

Saturday, July 12, 2008

Who's calling me?

July 10, 2008

I was on my way to school, sitting on the last seat inside the jeepney, when I have seen this sign behind the pedicab

-Travel safely. Jesus is the way.

And after a while I have seen this at the back of the tricycle:

-Don't be close to me, be close to God.

Then after approximately 30 minutes, I have seen this at the side of an L300 vehicle:

-Jesus is coming!

I end up to a conclusion:
My God is calling me. For a long time, I've been so cold and so far away from my Lord. I lost my communication and at times I almost forgot to call to Him. I know I owe everything that I have to Him. My God is missing me and I missed Him too.




(Late post cause I'm too busy with our project in SAD003)

Friday, July 11, 2008

All alone

Tonight, Im home alone. The rest of the family leave for Bulacan. It's 10th year anniversary of Christ Cares Family (Bulacan Chapter). It was my very first time to be left home alone. Felt a bit weird and sad knowing that when you wake up early in the morning, there's nobody home.


I have to endure this loneliness for 1 night and 1 whole day. They left me cause I have to attend my Saturday class tommorow. Very sad. I know this won't take long. Good thing there's an internet connection here. Surfing, Blogging... Then I'm solved.

Tuesday, July 8, 2008



At first, I'm finding it hard to maintain my blog.
-No friends
-No comments
-No buzz
-No viewer


When I'm on my 2nd or 3rd week of blogging, I wanted to abandon my blog and just leave it like that(maybe because I'm not familiar with the environment).As in:
-No updates
-No new post
-No Invitation
-No Xlinks

But then it all turned up-side-down . There came
-New friends
-Nice visitors
-Heart-warming comments
-Few people dropping by

And it was different. It makes me want to post every single detail of my life. Now as if I can't live a day without viewing my simple, maybe non-sensible yet my very own blog. I'm so excited to check out nice bloggers out there.

You could probably count me as one of Blog Addicts.


Saturday, July 5, 2008

Hate Me!


8:15 am. (Saturday)

Again, and once again, --I’M LATE!
Trying to stop the tears from fallin. Hate me for always being late. I missed our very first quiz in Multimedia. I really hate it!

I reviewed all my notes while I’m on my way to school despite of the sleepiness that I'm feeling. Then when I got up here(classroom), they're alredy on number 26 ->And it hurts like hell!<-


I don't really want to miss anything when it comes to academic matters. I reviewed everything but it's no sense at all. I could have got a high score if I just arrived on time. (Sigh.)


Promise myself that this thing would never ever forver never would ever going to happen again. (Writing down these notes with my red ballpen while they are recording their scores).


I'm trying to calm down while thinking:

I'm the only one who missed it.


You probably asking: why am I late?

Last night I'm busy doing 'our' assignment for this subject as in literally 'our' assisgnment. It just so happen that my 2 beloved friends ask me if I could print their assignment together with mine and so i did. But no! I'm not blaming them for that, cause i do love them. The guilt should not be on their shoulders. I just want to put some 'behind the scene' reason.


There's no one to blame but myself.

It's my fault.

My irresponsability.


Now,


LESSON LEARNED!

Friday, July 4, 2008

Sunshine After the Rain


7:45 am.
I was rushing towards school. I had a bad luck today. I came late in my first subject-- Logic Circuit. I felt so bad knowing that I missed the plus 3 in our Final grade. With my teary eyes and shoulders down, I lost all my interest in our quiz review. It was a bad rainy day for me.

Eventually, some one made my day. My frowned, sad face turned into a smile. Actually I was shocked and my heart suddenly pound. Coz at exactly 8:37 am (on my watch), my head was accidentally turned towards the back door of the classroom, and from there, I saw my inspiration(for 1-2 seconds only). Then everything changes.

Tuesday, July 1, 2008

Running Out of Time



Never waste time.
Never think tomorrow would still be the same as today.
Never say: "I'll do it tomorrow or some other day." if you could do it now.

You'll never know what you missed until it was gone.

-The chances.
-The time.
-The people.
-The opportunity.

Time is not ours and it will never be.
Do it now before it's too late.
Don't let Regret stand in your way.


A very corny short line yet so true:

"Time is gold."


Friday, June 27, 2008

Pulubi


Kaninang umaga, habang nakasakay sa jeep na may byaheng Gasak-Recto, nakakita ako ng isang pamilyang pulubi na natutulog sa gilid ng daan.

-Isang batang lalaki na may gulang na 5-6 na taon
-Isang nanay na natutulog pa din
-Isang lalaki na naghuhugas ng pinggan.

Ang mga ganitong eksena ay pangkaraniwan na para sa karamihan sa atin lalo na dito sa Maynila-- mga batang madudungis at nanlilimos. Ewan ko ba kung bakit sa loob ng mahigit 2 taon kong pagbabyahe, ngayon lang ako nauntog sa katotohanan.

Katotohanan kung gaano ako kaswerte sa kalagayan ko. Alam kong "hindi" kami mayaman o may kaya man lang pero na-realize ko kung gaano ako kapalad nung nakita ko yung ganung senario.

Hindi ko maipaliwanag pero ganun yung pakiramdam na parang may sumampal sa'yo. Napuno ako ng awa para sa iba. Kakaiba talaga.

Thank you kay Lord for making me realize these things.

Wednesday, June 25, 2008

Late!!!

Lakad-takbo.

Yan ako araw-araw mapa MWF o TTH man kapag 7:30 na nasa plaza del carmen pa lang ako dyan sa may San Sebastian Church.

Pilit hinahabol ang oras.
Pilit iniiwasang maging "
LATE".

Pag-akyat sa room (habang hinahabol ang hininga), unang tanong sa classmate:

"Nag-attendance na ba?"
-Hindi pa.

Hayz. Parang naka-binggo na naman ako. 15 mins. na akong late, buti na lang di pa nag-aattendance si Sir.


Araw-araw ganito. Malas ko lang sa TTH na first subject ko dahil di ko talaga maunahan yung prof ko dun. Sana bukas hindi ako ma-late sa TTH ko. Baka kasi buminggo ako dun.hehe.

Good luck.

Sunday, June 22, 2008

Rainny Days

Linggo ngayon.

Nakakapanibago.

Kasi dapat may Sunday service sa church pero na-cancel dahil sa lakas ng ulan na hatid ng bagyong Frank.

First time ever ito sa buong buhay ko na ma-cancel ang Sunday service namin. Ang lupit talaga ni Frank.

Hayzz..

I'm Bored.

Saturday, June 21, 2008

Saturday duty

7:00 am.
Nagising ako.
This time walang pressure. Di ako nagmamadaling pumunta sa school. Dapat wala akong pasok sa Multimedia namin ngayon pero sa kasamaang palad, ako ay kabilang sa first batch ng mga S.A. na magduduty ng saturday.

I took my time sa pagkain ng breakfast. Nauna si ama at ina na umalis ng bahay. May meeting daw sila ngayon. Ok fine. Kain lang ako.

Nag-iisip.

Ano nga ang mga dadalin ko?

-mp4(nakacharge pa)
-magbaon ng biscuit para di magutom.
-mineral water.
-Nawawala ang favorite necklace ko.(hanap, hanap. Di ko nakita.)

Ang tanong:
-May nakalimutan pa ba ako?
-wala na!!

Lakad na.

Lips of an Angel- paulit-ulit na tumutugtog sa tenga ko sa loob ng isa't kalahating oras ng byahe. "It's really good to hear your voice sayin' my name it sound so sweet. Commin' from the lips of an angel hearing those words it makes me weak." Paulit-ulit. walang sawa. In short, favorite!

9:35. Nasa school na ako. "Good morning!!" bati ko sabay log-in. Hayzzz... trabaho na naman. Kelangan mag 5S (isang school policy to keep everything in order) in short maglinis at panatiliin malinis ang mga laboratory rooms.

Sa wakas natapos din ang labing tatlong rooms. Kakapagod. Isipin mo naman tatlo (ako, chris at joel) lang kami dahil absent yung iba naming kasama. Bunuin daw ba ang 13 na rooms na may 30-60 computers bawat room. hooohh!! Anyway, tapos na!!

*salamat nga pala sa free internet access dito sa school for making this blog possible. (Hehe. kamusta naman kasi ang dial-up sa bahay, 48years bago mag-open).

Friday, June 20, 2008

Saturday Class

Sa loob ng mahigit 12 years kong pag-aaral, sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng Saturday Class. Nakakapanibago. Sanay ako na maging masaya kapag dumating na ang Friday. Ngayong sem, ibang-iba. Sobrang nakakalungkot knowing na dapat ay natutulog ako ng mahaba pero kelangan gumising ng maaga para sa 7:30 class ko.

IT313L1 or Multimedia. 7:30-1:30pm. Start nyan bukas. Masakit na katotohanan na dapat tanggapin na lang. Walang magagawa kung hindi i-enjoy ang bawat minuto sa harap ng computer at pag-aralan mabuti ang Flash8 (isang software application na para ding photoshop).

Kanina bago kami pumasok ng SAD003 (System Analysis and Design, 10:30-11:30), natanggap ko ang balitang wala kaming pasok bukas sa kadahilanang di pa naa-approve yung subject namin.

-ang saya!!! hooohhh!!!

Para akong nanalo sa Lotto ng hindi tumataya. Akalain mo yun. Bigla na lang na wala kaming pasok bukas. Parang bonus lang. hehehe. Napatalon ako sa tuwa. Pero ang katotohanan, next Saturday, tuloy na ang klase namin jan.

Pero Ok lang yun. Para sa kagaya kong isang estudyante, ang pangarap ko lang naman ay eto:

-"Mahabang oras ng tulog!!!" (may sasang-ayon ba?!?)

Laking pasasalamat ko talaga at wala kaming pasok bukas. hayzzzz..

Good luck na lang sa mga susunod na Sabado. (^^,)

Thursday, June 19, 2008

Nakakaalarmang Kasungitan


Nitong nakaraang summer, habang nakaduty ako, isang kakilalang bading dito sa school ang nag-approach sa akin.
"Alam mo bakla, akala ko dati ang sungit sungit mo. Oo talaga."
Natawa lang ako. Naisip ko may kanya-kanya tayong perception sa mga bagay-bagay kaya binalewala ko lang iyon.

Isang gabi naman sa bahay namin, nandun si Clarence (pinsan ko) at si Rodel (isang kaibigan). Umiinom kami ng kape at nagkukwentuhan tungkol sa mga babae nila sa buhay. Hanggang sa kalagitnaan ng aming kwentuhan, nabanggit ni Rodel:
"Akala ko dati masungit 'to (referring to me) . Yung konting ano mo lang hahampasin ka na ng kung ano." Natawa lang ulit ako. Pero sa pagkakataong ito medyo napaisip na ako : Ganun ba ako kasungit sa mata nila?

Lumipas ang ilang buwan, kanina, nung dumaan ako sa Department ng course namin, nandun si maam Ann. Ang sabi nya:
"Bakit ang sungit ngayon ni Love?"
Nangiti lang ako.
"Masungit ka ba Love?"(follow up question nya)
"Hindi po." Nakangiting sagot ko habang papalabas ng pinto.

Nakakaalarma.

Masyado yata nami-misinterpret nila ang pagiging mailap ko sa mga tao. Hindi kasi ako pala-bati ng mga kakilala ko. Masyado kasi akong mahiyain. Hindi ako masyadong nakikisalamuha sa mga tao kahit sa mga kapit-bahay namin nuon. Pagkagaling sa school direcho sa bahay. ganun lang lagi ang buhay ko araw-araw mula nung elementary.

Nitong kolehiyo na, medyo napapractice ko na ang pagbati sa mga tao. Kahit paano nag-improve ako when it comes to social communication. Pero hanggang ngayon mahiyain pa din ako. Yun lang ang hindi ko maalis. Sana nagkaroon ako ng madaming kakapalan ng mukha. Sa totoo lang naiinggit ako sa mga matatapang at malalakas ang loob. Yung bang mga makakapal ang mukha. Kahit sa loob ng klase natatakot pa din akong magrecitation. hayz grabe na to.

Sana ma-overcome ko to para hindi nila nami-misinterpret yung mga bagay-bagay. Siguro dapat dagdagan ko pa ang pagbati sa mga nakakasalubong ko para di ako masabihan ng masungit. Dagdagan ko din dapat siguro yung pagiging madaldal at syempre wag kalimutan mag-smile. Bahala na.


Tuesday, June 3, 2008

Isang linggong bakasyon

Nung nakalipas na linggo, humiling ako na sana magkaroon ako ng bakasyon o kahit mahabang tulog man lang. Ngayon natupad na. May isang linggo akong bakasyon. Nakatulog na din ako ng mahaba dahil 12 na ako nagising kanina.

Pero bakit ganun, parang mamamatay ako sa sobrang pagkabagot. Nuod ng TV, internet, at kain. Yun lang paulit-ulit kong ginagawa. hayzzztt... buhay...

Siguro nasanay lang ako na laging may ginagawa o may trabaho. Pakiramdam ko parang sayang yung mga araw na lumilipas na walang natatrabaho. Anu ba yan? Di bale isang linggo lang naman yan. Pagdating ng pasukan sigurado mami-miss ko tong bakasyon. Enjoy na lang...

Sunday, May 25, 2008

Mga Aktibidades

Pagkatapos ng successful crusade namin nung May 23-24, eto kakatapos ko lang maglaro sa Sportsfest. (To inform all of you, itong sportsfest na ito ay isang palaro na nilalahukan ng iba't ibang churches sa Malabon at Navotas. Sa ngayon ay may 11 churches ang kasali. 2nd year na ito ng sportsfest na pinangunahan ng aming church na Christ Cares Family(CCF).)

Volleyball nilalaro ko kaya eto ang sakit ng katawan ko kahapon pa. Nakaka-upset lang kasi 2 times na kaming talo pero pasok naman kami sa semi finals. Ok lang sa akin ang matalo kami kasi hindi naman ako ganun kagaling eh. Masaya na ako na nakapasok kami sa semi.

Halos di na matapos ang activity namin sa church. Sabayan pa ng pasok sa school. Kahit ganun natutuwa akong maka-Bond yung mga ka-youth ko sa church. Ibang klaseng saya kapag humirit na ng mga patawa yung mga yon.

Ganun pa man salamat pa din sa Diyos sa lahat-lahat. Sa church, sa trabaho sa school, sa prebilehiyong makapag-aral, sa maayos na pamilya at mababait na kaibigan. Sa kabila ng nakakapagod at paulit-ulit na araw sa buhay na ito, nandyan pa din si Lord kahit nagkukulang tayo sa kanya kaya pray lang tayo lagi. Have faith.

Ngayon, matutulog na ako para mapahinga na at bukas may pasok pa. Good nights...

Thursday, May 22, 2008

After a week

Isang linggo na nakalipas nung nagpunata kami ng Zambales pero hanggang ngayon puyat pa din ako. Nung Umuwi kami panay na ang practice namin ng MiMe para sa Crusade sa may plaza bukas ng gabi. Ewan ko ba kung bakit para akong bangag ngayon. Dahil na din siguro sa sunod-sunod na puyat.

Ang hiling ko lang sana makatulog naman ako kahit hanggang 8:00 am lang ok na sa akin yun... sana may pahinga pa ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako o ano pa man sa trabaho ko. Ang akin lang naman ay isang araw man lang na may tulog na maayos. Kapag nagpasukan na sigurado akong mas malala pa dito ang aabutin ko.

Siguro nga its about time na masanay akong gumising ng maaga at piliting wag nang ma-late sa pagpasok. In fairness hindi na ako masyadong nale-late ngayon konti na lang. kaya ko to. kelangan lang siguro ng konting disiplina sa oras.

Naalala ko tuloy si daddy. Araw-araw na lang kami napagsasabihan kasi lagi kaming nagmamadali sa pagpasok at di na nakakakain ng agahan. "Madadala nyo yan hanggang sa magtrabaho kayo." o di kaya "Papasok na lang din naman kayo gusto nyo pa nale-late." Yan lang naman ang sinasabi nya araw-araw weh. In a way tama naman talaga sya. kelangan lang talagang idisplina ang sarili.

Minsan hindi na ako tinatablan ng alarm clock kaya madalas talagang huli ako sa trabaho. Kahit paano natutuwa ako dahil maunawain sila maam. Ilang beses ko na din pinangako sa sarili ko na hindi na ako male-late pero wala pa din. Masasanay din siguro ako. Kaya ko ito. Go!

Monday, May 19, 2008

Transformer Camp (Iba, Zambales)

May 15-17, 2008


Thursday morning...
Umalis kami ng Malabon. Excited ang lahat papuntang Youth Camp sa Iba Zambales. First time ko itong makapunta ng camp, first time ko din pumunta ng Zambales at first time ko din makasakay ng bus ng more than 1hour ang byahe. Matagal ko nang pangarap na makatravel ng bus (sa mahabang oras), barko at airplane. Natupad din yung sa bus. Enjoy ako nung nasa byahe kinakabahan din kasi hindi ko alam kung anung meron dun. Habang nagbabyahe, nadaanan namin yung Olongapo, Subic, Pampanga, at Bataan. Ang layo ng Zambales. 7:00 kami umalis ng Malabon at 2:30 na kami nakarating dun. Sulit naman kasi ang ganda dun. Nung opening night ng camp, sobrang ganda nung show parang concert. Actually isa yung Spiritual camp. karamihan sa mga youth ay unbeliever. para sa kanila talaga yung camp pero pwede na din sa aming mga believer para ma-revive kami.

Magagaling din yung mga speaker, very well ang pagkakadeliver ng message. Yung Band naman sobrang galing din. Galing tumugtog. Madami akong natutunan dun sa camp na yon. Na revive ako first night pa lang. I was crying nung first drama na pinalabas nila. tapos sabayan pa ng message. Ginawa nga pala kaming counselor ni kuya Rey kaya di rin masyadong naenjoy ang pagiging camper. pero Ok lang un. Daming tao dun meron kaming 1,300+ na youth.
Nakakatuwa yung mga games nila. yung slide sa putik, swimming sa pond at kung anu-ano pa. Pero ang di ko makakalimutan dun ay yung isang aquarium ng palaka ay lilipat sa isang timba. hahahahahha.... yung palaka lumilipad. hinagis nila sa audience yung ilang palaka. halos di ako makahinga sa kakatili at kakatawa.

Napakaganda ng ganung program nila. At a very cheap price of P100.00 makakapunta ka na sa Zambales at marerevive ka pa. Nagkaroon din sila ng Free Scholarship program para sa mga hindi nag-aaral. Magaling at sana mapagpatuloy nila yung ganung ministry. They touched thousands of life. Nakaka-inspire... Sana next year makasama ulit ako. (^^,)

Thursday, May 8, 2008

Inspirasyon

Parang kelan lang di kita napapansin. Hindi ka naman kasi "Head-turner." Simpleng tao ka lang na nakakasalubong sa daan. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo o matandaan ang itsura mo. Hindi ko nga din alam na meron pa lang "ikaw" na nabubuhay dito sa mundo.

Hanggang isang araw habang nagtatrabaho ako, inabala mo ako at nanghiram ng ballpen. Simula noon natandaan ko na ang itsura mo naging pamilyar na din ako sa presensya mo.

Nadadalas ang pagkita ko sa 'yo pero ewan ko lang kung alam mong may nakatingin sa 'yo. Halos araw-araw nagkakasalubong tayo, di ko lang alam kung pansin mo. Makita lang kita isang beses isang araw kuntento na ako.

Inspirasyon marahil nga ang pwede kong itawag sa 'yo. Mapadaan ka lang napapangiti mo na ako. Lalo pa nung kinausap mo ako. Parang tumatalon sa tuwa ang puso ko. Ka-kornihan man o ano pa ang itawag sa nadarama ko, OK lang. Ang mahalaga, ako lang ang nakakaalam nito.

Hanggang sa dumating ang araw na ito, hindi ko akalaing magkakausap pa tayo. Parang ang labo kasi mangyari eh... Itong araw na ito napasaya mo talaga ako... (^^,)

Wednesday, May 7, 2008

Para sa Kaibigang Nagpapaalam


May 05, 08
Parang kahapon lang magkakakulitan tayo.
Nag-aasaran,hampasan, at walang humpay na tawanan. Nagkukwentuhan with matching kape hanggang madaling araw. Parang kelan lang tayo naging close. Natutuwa naman ako dahil pakiramdam ko nagkaruon ako ng isang kuya na kahit kelan ay di ako nagkaroon. Hindi naman tayo ganun kaclose. Hindi ko alam ang talambuhay mo pero sa tingin ko di naman yon ung sukatan ng pagkakaibigan. Madalas nagkukwento ka ng sakit sa puso mo tuwing nagmamahal ka. Na hindi naman ako maka-relate dahil wala pa akong karanasan sa ganyan.. pero iniintindi ko yung kalagayan mo kahit dinadaan lang natin sa patawa ang lahat..
Nitong gabi lang binanggit mo sa akin na aalis ka. Nakakalungkot kasi parang nawalan na ako ng kuya.. Ibinilin mo pa yung mga iiwan mong kaibigan natin dito na di ko sigurado kung magagampanan ko yung bilin mo.


Naisip ko :
paano ka na lang? Paano sila? Paano yung mga hindi nakakaalam? Bakit nagkaganun? Ano ba ang tunay na dahilan?.Daming tanong no?

Habang iniisip ko yon.. naalala ko yung mga happy moments natin.. yung lakad dito, tawanan jan.. asaran at kung anu-ano pang kaepalan. Nanghihinayang ako sa mga nasayang na panahon. Yung mga laro nyo na di ko napanuod, mga lakad na binabalewala ko, yung mga pagkakataong maging bonded tayong lahat. Talagang napakaiksi lang ng panahon no?

Alam mo hanga naman ako sayo, sa kabila ng mga problema mo, nagagawa mo pa ding makipagtawanan, lokohan, kung baga ay nadadala mo yung problema.

Basta tandaanan mo lagi dito pa din kami ng mga friendship at ng mga bhez mo,..
Kahit gaano pakalaki yang problema mo, nandiyan lang lagi si Lord. Lagi kita isasama sa prayers na maging maayos ang buhay mo. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana may panahon pa kayo ng mga kaibigan mo. Siguradong sobrang lungkot nung mga yun kapag nalaman nila ang pag-alis mo. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong magpaalam sa kanila. Mabigat, malungkot at mapupuno ng luha ang lahat kung magpapaalam ka.

Nagpapasalamat naman ako at isa ako sa pinagkatiwalaan mo sa mga sikreto mo.
Salamat.... Sana di dito matuldukan ang pagkakaibigan nating lahat....